Skip to main content

Pitong Pulang Pagkain Na Mabuti Para Sa Ating Puso


Ang ating puso ay isang napakahalagang organ sa ating katawan dahil ito ang nagpapa-pump ng dugo papunta sa iba't ibang parte ng ating katawan. Maraming paraan upang mapangalagaan ang ating puso, bukod sa tamang lifestyle, diet at nutrisyon ay napapanatili nating malusog ang ating puso.

Napakaraming prutas at gulay na mayayaman sa bitamina at antioxidants na nakakabuti sa ating katawan. At ilan sa mga pagkaing ito ay nakakatulong rin upang malabanan ang mga sak!t sa puso. Narito ang mga pulang pagkain na mabuti para sa malusog na puso.

1. Mansanas

Ayon nga sa kasabihan na, "An apple a day keeps the doctor away." Ang apples o mansanas kasi ay nagtataglay ng phytochemical na quercetin, isang anti inflammatory na nakakatulong sa prebensyon ng blo0d clots. 

2. Kamatis

Ang kamatis ay mayaman sa lycopene, isa itong pulang pigment na mayroong antioxidant properties. Kaya naman mapapansin sa mga tomato sauce na sinasabi nilang "good for the heart." Ang lycopene ay mayroon ding anti-carc!n0genic properties at magandang mapagkukunan ng nutrisyon para sa kalusugan ng mata. 

3. Pomegranate o prutas na granada

Tulad ng mansanas, ang prutas na granada o pomegranate sa Ingles ay mayaman rin sa antioxidants na anthocyananins na nakakatulong upang maiwasan ang pagtigas ng mga arteries sa katawan. Ang juice rin nito ay maganda para sa maayos na daloy ng dugo sa puso.

4. Red bell pepper

Tulad ng kamatis, ito rin ay mayroong lycopene. Ang pulang bell pepper ay isang pagkain na nakakatulong rin sa pagpapababa ng kolesterol sa katawan. Bukod rito ay mayroong din itong antioxidants at vitamins na A at C.

5. Strawberries

Ang mga strawberries ay mayaman sa bitamina C at manganese. Ang manganese ay isang esensyal na mineral na nakakatulong sa metabolic function ng katawan. Katulad na lamang ang pagbibigay proteksyon nito laban sa mga free radicals sa ating paligid. 

6. Pakwan

Ang pakwan ay nakakatulong sa pagbawas ng tyansa sa pagkakaroon ng sak!t sa puso sa pamamagitan ng pagpapababa ng LDL cholesterol o ang tinatawag na "bad cholesterol." Nakakatulong rin ang pagkain nito sa pagpapababa ng tyansa sa stroke at iniimprove nito ang blo0d vessel function.

7. Red wine

Ang red wine kapag ininom ng moderasyon at maging pagkatapos kumain ay mabuti para sa puso. Dahil pinapataaas nito ang good cholesterol sa ating katawan dahil sa polyphenol content nito na nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng cardi0vascular d!sease.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-