Skip to main content

Sampung Benepisyo na Naibibigay ng Papaya Lalo na Kung Madalas mo Itong Kainin!




Ang papaya ay isa sa mga masasarap na prutas na pwede nating kainin ng hinog o di kaya naman ay lutuin kasama ng iba pang gulay. Maliban sa malinamnam nitong laman ay mayroon din itong iba’t ibang katangian na tumutulong upang mapanatili nating malusog ang ating katawan at makinis ang ating balat.

Narito ang ilan sa mga benepisyo na maaari nating matamo sa pagkain at paggamit ng papaya:





1. Proteksyon sa ating atay

Ang ating atay ang isa sa mga importanteng parte ng ating katawan dahil sila ang may kakayanan para salain ang mga toxins o mga kemikal na matatagpuan sa ating mga kinakain. Sa pamamagitan nito ay naiiwasan ng ating katawan ang posibleng sakit na dulot ng mga kemikal na ito. Sa tulong ng papaya partikular na ang mga buto nito ay maiiwasan o di kaya naman ay maaring malunasan ang sakit sa atay na tinatawag na “liver cirrhosis”. Para magawa ito, patuyuin ang buto ng papaya at dikdikin ito hanggang sa maging pino saka ihalo sa iyong inumin. Ayon sa ilang eksperto, maari mo itong inumin dalawang beses sa loob ng isang araw at makikita moa ng epekto sa loob ng isang buwan.


2. Pangpakinis ng ating balat

Ang papaya ay mayroong acid na siyang tumutulong upang matanggal ang mga “dead skin cells” sa ating balat. Sa pamamagitan nito ay mas napapaputi ang ating balat at mas lalong kumikinis. 





3. Iwas sa mga kulubot ng balat

Ang papaya ay mayroong bitamin C at E na maganda sa ating balat. Sa pamamagitan ng mga bitaminang ito, ang ating balat ay makakaiwas sa pagkakaroon ng mga kulubot na siyang sanhi ng pagtanda.

4. Malusog na Puso

Ang papaya ay mayaman sa lycopene at bitamina C na siyang mahalaga para mapanatiling malusog ang ating puso. Mayroon din itong antioxidants na siyang nagsisilbing proteksyon ng ating puso laban sa mga sakit.

5. Pangpapayat

Mayaman sa mga enzymes ang papaya na siyang mabisang pantunaw ng ating mga kinain. Ang enzyme na ito ay tinatawag na “papain” at dahil dito ay napapabilis ang proseso ng pagtunaw ng ating kinain kaya naman naiiwasan ang pagtaba at iba pang sakit sa tiyan kagaya ng diarrhea.



6. Pampalakas ng resistensiya

Ang papaya ay mayroong 200% ng kailangan nating bitamina C sa araw-araw kaya naman ito ay itinuturing na mabisang proteksiyon laban sa mga sakit kagaya na lamang ng simple ubo at sipon

7. Panlaban sa diabetes

Matamis man ang laman ng prutas ng papaya ay mababa lang ang sugar nito hindi kagaya ng ibang prutas. Kaya naman isa ito sa mga prutas na maaring kainin ng mga mayroong diabetes at mga taong gusto itong iwasan.

8. Malinaw na mata

Mayaman sa bitamina A ang papaya at isa ito sa mga bitaminang tumutulong upang maprotektahan ang ating mga mata laban sa posibleng sakit kagaya ng panlalabo ng mata o di kaya naman ay pagkabulag.



9. Ginhawa sa arthritis

Ang papaya ay mayroong tinatawag na “anti-inflammatory properties” na siyang tumutulong na maibsan ang pananakit ng kasukasuan dahil sa pamamaga nito. Ayon pa sa ilang eksperto ang bitamina C ay malaking tulong rin para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na arthritis.


10. Lunas sa sakit ng puson


Ang pananakit ng puson at madalas maranasan ng mga kababaihan sa tuwing mayroon silang buwanang dalaw. Upang mabawasan ang sakit na ito, mainam na kumain ng prutas ng papaya dahil ang mga enzymes nito ay malaking tulong upang maayos nag pagdaloy ng dugo sa ating katawan at mailabas ito kaagad.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-