Ang mga gadget kagaya ng telepono, laptop at iba pa ay malaki ang naitutulong sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Sa katunayan, ang ilan sa atin ay nagagamit ang mga ito upang kumita ng pera o di kaya naman ay makapagrelax at mag-enjoy. Ngunit alam niyo ba na maaari rin itong magdulot ng sakuna kapag hindi wasto ang pag-alaga at paggamit natin sa mga ito?
Narito ang ilan sa mga bagay na dapat nating tandaan upang maiwasan ang mga hindi inaasahang sakuna na dulot ng mga gadget:
1. Iwasan ang paggamit ng hindi orihinal na baterya
Ang baterya ang siyang nagbibigay buhay sa ating mga gadget at isa ito sa mga parte na madalas masira. Kung kinakailangan ng palitan ang baterya ng inyong telepono, ugaliang bumili sa mga lugar na mapagkakatiwalan at siguradong nagbebenta ng orihinal na baterya. Ang mga pekeng baterya kasi ay may posibilidad na pumutok habang ginagamit o di kaya naman ay kapag naka-charge ang iyong telepono.
2. Iwasan ang paggamit ng telepono habang naka-charge
Kadalasan ang mga bateryang naka-charge ay umiinit at halos nagiging doble ang init nito kapag ginagamit ang gadget kasabay ng pag-charge. Ito ay maaring magdulot sa pagkasunog ng telepono na maaring maka-apekto rin sa taong may hawak nito.
3. Hindi wastong paggamit ng baterya
Ang baterya ng telepono ay mayroong mga kemikal na hindi maganda sa ating kalukugan kaya hindi wasto ang pagkagat dito para masubukan kung matibay ba ito o hindi. Sa katunayan, isang pagsabog ang nangyari sa China nang kagatin ng isang lalaki ang baterya na binili niya sa tindahan ng mga telepono.
Sa kabutihang palad ay naiwasan niya agad ang pagsabog at nagtamo lang ng kaunting sugat sa bibig. Samantala, sumabog din ang isang powerbank na ibinato ng isang pasahero sa airport nang hindi siya pagbigyan ng mga guwardiya na dalhin ito sa pagsakay niya ng eroplano.
Dahil nga gawa sa iba’t ibang kemikal ang ating mga gadget, mainam na gamitin natin ito ng wasto batay sa mga nakalagay sa manual nito ng sa gayun ay hindi tayo makaranas ng mga sakuna na maari nating pagsisihan sa huli.
Comments
Post a Comment