Skip to main content

Tatlong Natural na Lunas na Epektibo Para Matanggal ang Matinding Ubo




Isa ang ubo sa mga sakit na madalas dumapo sa atin tuwing tag-ulan lalo na kapag mahina ang ating resistensiya. Kadalasan ay bumibili tayo ng mga gamot sa drugstore para mabilis na malunasan ang sakit na ito. Maaaring mabisa ang mga gamot na iyong mabibili ngunit maari rin itong magdulot ng side effects sa ating katawan lalong-lalo na sa ating kidney o bato. 

Upang maiwasan ito, maaring gumamit ng natural na paraan para malunasan ang sakit na ubo kagaya na lamang ng mga sumusunod: 

1. Vicks 




Ang vicks ay isang uri ng pamahid na gamot at mayroon itong menthol o anghang-lamig epekto sa ating balat na siyang nagbibigay ginhawa sa baradong lalamunan o masakit na dibdib dahil sa ubo. Bilang panlunas, ipahid ito sa iyong mga paa at magsuot ng medyas bago matulog. Gawin ito araw-araw hanggang sa mapansin mong nawawala na ang iyong ubo at gumiginhawa na ang iyong paghinga. 

2. Lemon, Ginger at Honey Tea 


Ang pinaghalong sangkap na ito sa iisang tsa-a ay mabisang panlunas sa ubo dahil hatid nito'y ginhawa sa ating pakiramdam. Tumutulong din itong mapalambot ang mga plema upang mabilis na mailabas sa ating katawan. 

Para makagawa ng tsa-a na ito, kinakailangan mo ang mga sumusunod na sangkap: 



- 4-5 piraso ng luya 

- 1 kutsarang pulot 

- 1 tasa ng tubig 

- ½ lemon 

Magpakulo ng tubig at ilagay ang luya hanggang sa lumabas ang katas nito. Salain ang tubig at ilagay sa isang mangkok. Ihalo dito ang pulot at katas ng lemon. Inumin ito tatlo hanggang apat na beses araw-araw. 


3. Homemade Cough Syrup 



Para makagawa nito, kinakailangan mo ang mga sumusunod na sangkap: 

- 7-8 sticks ng cinnamon 

- 1 kutsarita ng luyang dilaw 

- 1 kutsara ng pulot 

- ilang piraso ng siling labuyo 


Magpakulo ng tubig at ilagay dito ang cinnamon,luyang dilaw at konting siling labuyo. Hayaang lumabas ang katas ng mga sangkap. Salain ang tubig at ilagay sa isang garapon. Kapag may ubo, magpainig ng 2 kutsara ng syrup at haluan ito ng 1 kutsarang pulot. 


Mainam itong panlunas sa ubo dahil sa mga pinaghalo-halong sangkap na siyang pumupuksa sa mga bakterya at plema na siyang sanhi ng pag-ubo at hirap sa paghinga.

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-