Kasabay ng paglipas ng panahon ay ang katotohanan na hindi natin mapipigilan ang ating pagtanda. Karamihan sa atin ay ayaw na mangyari agad ang bagay na ito kaya naman kaliwa’t kanan ang paghahanap natin ng solusyon upang ito ay maiwasan. Ngunit alam niyo ba na mayroon tayong madalas ginagawa na siyang nagiging sanhi upang mapabilis ang ating pagtanda?
Narito ang madalas nating ginagawa kaya mabilis ang ating pagtanda:
1. Patagilid na pagtulog
Mayroong mga tao na mas nakakatulog ng mahimbing kapag nakatagilid at halos nakalubog na ang kalahating mukha sa kanilang unan. Ayon sa ilang pag-aaral ang posisyon na ito sa pagtulog ay maaring magdulot ng pagkulubot ng balat sa mukha na siyang nagiging dahilan ng maagang pagtanda nito.
2. Paggamit ng straw kapag umiinom
Ang ating labi ay napupuwersa sa tuwing tayo ay gumagamit ng straw sa ating pag-inom at kapag madalas natin itong ginagawa ay kapansin-pansin ang pagkakaroon ng maliliit na linyang namumuo sa gilid ng ating mga bibig.
3. Paninigarily0
Ang usok ng sigarilyo ay hindi maganda sa ating kalusugan. Maliban sa sinisira nito ang ating baga ay hindi rin ito maganda sa ating balat at sa katagalan ay magdudulot lamang ng pagkakaroon ng iba pang sakit.
4. Sobrang panonood ng telebisyon
May ilang tao ang talaga namang narerelax sa panonood ng telebisyon ngunit ayon sa ilang pag-aaral, malaking epekto ito sa ating pagtanda. Ito ay dahil hindi na tayo nagkakaroon ng pagkakataon na mag-ehersisyo. Payo nga ng ilang eksperto na ugaliing tumayo at maglakad paminsan-minsan at huwag magbabad sa haran ng telebisyon.
5. Kulang sa tulog
Maliban sa nakakapagpahinga ang ating katawan sa tuwing tayo ay natutulog, ito rin ang panahon kung kelan naayos ang mga nasirang cells at napapalitan ito ng bago na siyang nagpapalakas at nagpapaganda sa ating pakiramdam.
6. Stress
Ang stress ay nakakapagdulot ng iba’t ibang sakit lalo na kapag mahina ang ating resitensiya at maliban dito ay malaki rin ang nagagawang epekto nito upang magmukha tayong matanda at manghina.
7. Hindi maayos na tindig
Ang hindi maayos na tindig at pag-upo ay nakakasira ng tamang porma ng ating backbone at di kalaunan ay nagdudulot ng pananakit ng ating katawan at pagiging kuba.
8. Hindi paggamit ng sun protection
Ang sun protection lotion o iba pang produkto ay malaking tulong upang maiwasan ang pagkasunog ng ating balat dahil sa sikat ng araw o di kaya naman ay mga ilaw na makikita sa iba’t ibang lugar kagaya ng bahay natin o malls. Kaya naman ipinapayo ng ilang eksperto sa balat na ugaliing gumamit ng mga productong may sun at UV protection formula araw-araw upang mapanatili ang natural na ganda ng ating balat.
Comments
Post a Comment