Ang pagkakaroong ng mahimbing na tulog ay napakaimportante dahil dito ay nagre-recharge ang ating katawan. Ngunit kung sa ating pagtulog ay mayroong sagabal tulad na lamang ng pagsakit ng likod, ay talaga namang nakakasama ito ng pakiramdam at ng iyong mood sa buong araw.
Kung madalas na sumasakit ang iyong likod o ang iyong lower back kapag ikaw ay natutulog, maaaring subukan ang mga sleeping positions na ito.
1. Matulog na nakatagilid at nakabaluktot ang paa o fetal position
Kapag madalas ang pagsakit ng iyong likod tuwing ikaw ay hihiga sa kama at matutulog o di kaya ay mayroong kang problema sa iyong spine tulad ng herniated disc, maaaring subukan ang pagtulog na nakatagilid.
Ang gagawin mo lang ay hihiga muna ng nakatihaya saka paunti-unting mag-roll sa iyong side. Dahan-dahang ibaluktot ang iyong tuhod patungo sa iyong tiyan. Ngunit huwag kakalimutang magpapalit-palit ng side.
2. Matulog nang nakatagilid na may unan sa pagitan ng mga tuhod
Ang posisyong ito ay medyo katulad ng sa nasaad sa number 1. Ngunit sa pagkakataong ito, maglagay ng unan sa pagitan ng tuhod. Ito ay nakakatulong bilang pandagdag suporta sa iyong pelvis, hips at spine para sa mas maayos na alignment.
Huwag lamang kakalimutang magpapalit-palit ng side upang maiwasan ang muscle imbalance.
3. Pagtulog ng nakadapa ngunit may suportang unan sa iyong tiyan
Sinasabi nga ng mga eksperto na ang pagtulog ng nakadapa ay nakakapagdagdag ng stress sa iyong leeg. Ngunit para sa mga taong sumasakit ang likod ito ay may benepisyo basta siguraduhin na maglagay ng unan sa iyong bandang hips o pelvis habang nakadapa. Maaari ring gumamit ng isang unan para sa iyong ulo depende kung saan ka komportable.
Nakakatulong ang posisyong ito upang mabawasan ang pressure sa iyong spine at sa space sa pagitan ng iyong mga discs lalo na sa mga taong mayroong degenerative disc d!sease.
Comments
Post a Comment