Ang lagundi ay isang halamang gamot na matatagpuan sa Pilipinas. Tinatawag rin itong Vitex negundo sa siyentipikong termino. Maaaring pamilyar na kayo dito na ginagamit bilang gamot sa ubo.
Ngunit bukod sa kakayahan nitong magpagaling ng ubo ay mayroon pa pala itong mahahalagang benepisyo na maaaring makatulong sa iba ring kondisyon. Narito at alamin ninyo.
1. Para sa may mga rayuma/ rheumatism
Ang dahon ng lagundi ay sinasabing nakakapagpagaling ng pamamaga at implamasyon ng mga joints sa katawan. Ang pagligo rin gamit ng nilagang dahon ng lagundi ay nakakatulong sa rheumatism.
2. Ubo, sipon, asthma at masak!t na lalamunan
Napatunayan sa mga pag-aaral na ang lagundi ay nagtataglay ng anti-microbial, analgesic, at anti-inflammatory na kakayahan. Kaya naman hindi nakakapagtaka na pati ito ay ginagamit na rin sa mga gamot ngayon na pang-ubo na mabibili sa mga botika.
Mayroon din itong compound na Chrysoplenol D na mayroong anti-histamine properties na makakatulong sa mga respiratory problems. Para sa mga taong may asthma ay benepisyal rin ito dahil binabawasan nito ang implamasyon.
Maaaring gawing tsaa ang pinaglagaan ng dahon ng lagundi. At inumin 3 beses sa isang araw.
3. Panlunas sa pananak!t o pain reliever
Dahil nga mayroong analgesic properties ang halamang ito, may kakayahan itong bawasan ang pananak!t. Noon ay ginagamit itong tradisyunal na panggagamot matapos mabunutan ng ngipin. Maaari rin itong gamitin kapag sumasak!t ang iyong ulo. Maaaring gawing tsaa ang pinakulong dahon o di kaya ay itapal ang dinikdik na dahon ng lagundi sa iyong ulo upang mawala ang pananak!t.
4. Problema sa balat
Dahil sa kakayahan nitong magpahupa ng implamasyon, ay benepisyal rin itong gamitin kapag mayroong kang makating balat tulad ng eczema, dry skin, at kagat ng insekto. Linising mabuti ang dahon saka dikdikin hanggang maging pino saka itapal sa apektadong lugar. Maaari rin itong ipantapal sa sugat dahil sa taglay nitong anti-microbial properties.
Comments
Post a Comment