Ano nga ba ang planking?
Ang planking ay isang uri ng isometric exercise na napakasimple at hindi kinakailangan ng anu mang exercise equipment. Sa ehersisyong ito, mananatili ka lang ng ilang minuto sa iisang posisyon na parang naka-push up position.
Ang kagandahan sa exercise na ito ay na-tatarget nito ang iyong mga core muscles tulad ng iyong tiyan. At kakaunting oras lang ang iyong paglalaanan dito at maaari pang gawin kahit saan, kahit anong oras.
Narito ang benepisyo ng 2 minute planking araw-araw:
1. Pinapaliit ang tiyan
Karamihan ay nais magkaroon ng flat at toned na tiyan. Sa katunayan, napakaraming ehersisyo na tinatarget ang mga bilbil sa tiyan, isa na rito ang sit-ups. Ngunit hindi lahat ng tao ay kayang buhatin ang kanilang katawan kapag isinasagawa ang ehersisyong ito.
Kaya naman ang planking ang magandang alternatibo rito. Subukang gawin ang planking ng 2 minutes at mararamdaman na parang nanginginig ang iyong mga bilbil sa tiyan. Isang paraan upang matagtag ang iyong mga taba.
2. Nakakapagpabawas ng pananak!t ng likod
Nakakatulong ang planking upang maiwasan ang back pa!n dahil pinapalakas nito ang iyong core at ang iyong mga muscles sa likod lalo na sa iyong upper back. At dahil na rin minimal lang ang galaw na kailangan rito, hindi mabibigla o agad na mababanat ang iyong mga muscles tulad ng sa ibang ehersisyo.
3. Nakakaimprove ng mood
Ang pageehersisyo araw-araw ay nakakapagpaganda ng mood. Dahil nga nailalabas mo sa iyong pawis ang mga toxins sa iyong katawan. Ang planking ay magandang ehersisyo upang ma-stretch ang iyong katawan at marelax ang iyong ibang muscles na naging stiff at ang resulta nito ay mas magiimprove ang iyong mood.
4. Nakakapagpaganda ng postura
Ang pagsasagawa ng planking ay benepisyal sa pagkakaroon ng tuwid na postura. Sa pag-maintain kasi ng straight na posisyon tuwing isasagawa ito ay kino-correct nito ang alignment ng iyong mga buto at spine.
5. Pinapabilis ang metabolismo
Ang simpleng exercise na ito ay nakakatulong upang masunog ang iyong calories sa katawan. Ito ay magandang exercise sa mga taong ayaw naman mag-gym o magsagawa ng iba pang ehersisyong magalaw.
Ang 2-10 minute exercise na ito araw-araw ay malaki na ang epekto upang ma-enhance ang iyong metabolic rate.
Paano ito isasagawa:
1. Pumwesto na parang nasa push up position sa sahig
2. Ibaluktot ang iyong siko ng 90 degrees habang ang iyong bigat ay nasa iyong bisig o forearm
3. Panatilihing diretso ang iyong upper body at hindi naka-bend
4. Ang iyong ulo ay dapat na nakatingin lang sa sahig at naka-relax
5. Manatili sa posisyong ito hanggang sa iyong makakaya
6. Kung hindi kayang idiretso hanggang 2 minuto ay ipahinga muna. Matapos ay ulitin muli.
Comments
Post a Comment