May ibang mga tao na tinatanggal o hindi kinakain ang puti ng itlog dahil wala raw itong lasa. Ngunit ang parte na ito ay masustansya rin dahil bukod sa low-calorie ito ay wala pa itong cholesterol, carbohydrate at sugar kaya naman ito ay magandang kainin ng mga taong mayroong sak!t sa puso o diabetes.
Narito at alamin ang mga mahalagang dahilan kung bakit dapat mong kainin ang egg whites.
1. Pampalaki ng muscles
Kung mapapansin sa mga body builders o sa mga nais magpalaki ng kanilang mga muscles, ang puti ng itlog ang kanilang kinakain. Ito ay dahil sa taglay na protina na benepisyal para sa muscle growth. Nakakatulong rin itong malabanan ang panghihina ng mga kalamnan at pampalakas rin ito.
2. Iniimprove ang ating utak o brain function
Ang egg white ay nagtataglay ng compound na choline, ito ay isang importanteng nutrient na nakakatulong sa malusog na generation ng DNA. Ito rin ay isang importanteng nutrisyon para sa maaayos na paggana ng ating utak.
3. Nakakapagpatibay ng buto
Bukod sa protina ay mayaman rin ito sa calcium. At ang calcium ay esensyal sa ating mga buto para maging matibay. Nakakatulong ang pagkain ng puti ng itlog upang malabanan ang pagkakaroon ng marupok na buto at osteoporosis.
4. Pang-diet
Ang puting parte ng itlog ay magandang gawing diet food dahil mababa ito sa calories, fats at wala pa itong carbohydrates ngunit tiyak na mabubusog ka kapag kinain ito. Mainam rin itong kainin ng mga taong obese dahil hindi rin ito nagtataglay ng asukal.
5. Pampaganda ng balat
Ang itlog ay mayroong membrane na nagtataglay ng collagen. At ang collagen ay benepisyal sa ating balat dahil nakakatulong itong sa pagbawas sa paglitaw ng mga wrinkles at iba pang signs of aging. Kaya naman maganda itong gawing facial masks dahil tina-tighten nito ang ating balat.
Comments
Post a Comment