Ang pagsesepilyo ay kasama sa ating pang araw-araw na hygiene. At hindi dahilan ang kawalan o pagka-ubos ng toothpaste upang ikaw ay makatakas at huwag nang magsepilyo.
Dahil sa katunayan, mayroong mga natural na alternatibong maaaring gamitin upang ikaw ay makapag-toothbrush. At ilan sa mga ito ay matatagpuan lamang sa loob ng inyong bahay. Kaya narito at alamin.
1. Baking soda
Ang baking soda ay maaaring gamitin bilang alternatibo sa toothpaste. Kung mapapansin, ginagamit na rin itong sangkap sa ilang mga toothpaste dahil mayroon itong kakayahan na malabanan ang plaque at tanggalin ang mga mantsa sa ating ngipin. Ito rin ay nakakatulong malabanan ang bad breath sa pamamagitan ng pagbalanse ng acidic levels sa ating bibig.
2. Hydrogen Peroxide
Ito ay mayroon antibacterial properties na nakakatulong upang malabanan ang mga gum d!sease. Ginagamit rin ito upang mapaputi ang ngipin laban sa mga stains. Ngunit siguraduhin lamang na hindi mataas ang concentration nito kapag ginamit dahil maaari itong maka-sira sa iyong tooth enamel.
3. Asin
Ang asin ay kilala bilang anti-microbial. Kaya kung mapapansin niyo ay ginagamit itong pang-gargle kapag kayo ay mayroong sore throat o di kaya ay singaw sa bibig. At maaari rin itong gamiting pangsepilyo. Ibabad lang ang toothbrush sa tubig na may asin at ipang-toothbrush ito sa iyong ngipin.
4. Coconut oil
Ang coconut oil ay benepisyal sa ating katawan. Ngunit pwede rin pala itong gamiting panlinis sa ating ngipin. Mayroong tinatawag na oil pulling, ito ay ang pagmumog gamit ang coconut oil upang matanggal ang mga bakterya sa bibig. Kaya naman di maikakaila na maaari rin itong gawing alternatibong toothpaste.
5. Pagsepilyo gamit ang tubig
Kung wala ka talagang magamit sa mga nabanggit na alternatibong toothpaste, ay maaari mo pa rin namang malinisan ang iyong bibig gamit lamang ang sepilyo at tubig. Nakakatulong pa rin naman ito upang matanggal ang mga food debris na sumabit sa iyong ngipin. Iyon nga lang, walang minty feeling sa iyong bibig.
Comments
Post a Comment