Skip to main content

5 Natural Na Paraan Para Mailabas Ang Natural Na Mapulang Kulay Ng Labi Nang Di Gumagamit Ng Lipstick


Pangarap ng mga babae ang magkaroon ng natural na mapulang labi. Kaya naman hindi na nakakapagtaka na ang ilan ay sumasailalim pa ng cosmetic enhancements para lang magmukhang mapula at plump ang kanilang mga labi.

Kung nais mong mailabas ang natural na kulay ng iyong labi, mayroong mga paraan na maaari mong subukan. Narito at alamin ninyo.

1. Sugar, lemon at honey scrub

Mayroong mga labi na nangingitim dahil ang kailangan ng mga ito na maexfoliate. At makakatulong ang sugar, lemon at honey para mailabas ang natural na kulay ng labi. Ang sugar at lemon ay magsisilbing scrub para alisin ang mga d**d skin cells at mayroon itong lightening effect, at ang honey naman ay makakatulong upang ito ay ma-moisturize. 

2. Paggamit ng toothbrush

Tulad ng lip scrub na nabanggit kanina, ang paggamit ng toothbrush bilang scrub ay makakatulong rin upang matanggal ang mga d**d skin cells at nakakatulong pang mapalambot ang iyong mga labi. Ngunit siguraduhin na dahan-dahan lamang ang pag-brush nito dahil maaari itong masugat.

3. Turmeric at gatas

Ang lactic acid sa gatas o cream ay nakakatulong upang ma-lighten at lumambot ang mga nangingitim at dry na labi. Ang turmeric ay nakakatulong upang magmukhang healthy ang mga labi dahil mayroon itong healing properties. Gumawa lamang ng paste gamit ang 1/2 kutsarita ng turmeric at kaunting gatas o cream at iapply ito sa labi sa loob ng 5 minuto. 

4. Beets

Kung naghahanap kayo ng natural na paraan para magmukhang mapula ang mga labi nang hindi gumagamit ng lipstick, ay maaari namang gumamit ng beets. Ang beets ay mayroong matingkad na pulang kulang na maaaring magiwan ng mantsa sa iyong labi. Ipahid lang ang katas nito sa iyong labi at iwanan ng ilang minuto.

5. Rose petals

Maaaring mapalambot at ma-lighten ang iyong labi sa tulong ng rose petals. Magbabad lang ng 6-7 rose petals sa gatas buong gabi. Kinaumagahan ay dikdikin ang mixture na ito, magdagdag muli ng ilang patak ng gatas at gawing pampahid ito sa iyong labi. 

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl