Alam naman natin na masustansyang kainin ang patatas. Pero bukod dito ay mayroon pa pala itong benepisyo sa ating balat lalo na kapag ang katas ng patatas ang iyong ginamit.
Ang potato juice o katas ng patatas ay nagtataglay ng nutrisyon tulad ng vitamin B, vitamin C, calcium, iron, at potassium. Kaya naman alamin ninyo kung ano pa ang benepisyo nito sa ating balat at kung paano gagamitin.
1. Hina-hydrate ang balat
Kung ang iyong balat ay madalas na dry, subukan mong lagyan ito ng potato juice. Dahil sa mataas na content nito ng vitamin C, makakatulong ito upang ma-hydrate ang iyong balat.
Maghalo lamang ng katas ng patatas at yogurt. At iapply ito sa parte kung saan nagda-dry ang iyong balat. Maghintay ng 15 minuto bago ito banlawan.
2. Anti-aging
Ang katas ng patatas ay nakakatulong upang maiwasan ang mga wrinkles sa mukha at madaling pagtanda ng balat.
Kunin ang katas ng patatas at gamit ang isang cotton ball ay idampi-dampi ito sa mukha araw-araw. Makakatulong ito sa iyong mukha na magkaroon ng youthful glow.
3. Pantanggal ng dark spots
Ang patatas ay isang natural skin lightener kaya naman maaari itong gamitin sa mga dark spots sa mukha.
Gamit ang cotton ball, isawsaw ito sa katas ng patatas at saka iapply ito sa parte ng mukha na may dark spots. Hayaan muna itong matuyo bago ito banlawan. Gawin ito araw-araw hanggang makita ang pagkakaiba.
4. Para sa eyebags
Dahil may kakayahan ang patatas na magpaputi ng balat, makakatulong ito na tanggalin ang mga eyebags o dark circles sa iyong mata.
Maaaring gamitin ang hiniwang patatas at itapal ito sa iyong eyebags sa loob ng 20 minuto. Pagkatapos ay hugasan ang iyong mukha.
5. Pampaputi ng balat
Ginagamit ang pataas na isang beauty regimen dahil hindi ito matapang sa balat at may kakayahang magpaputi ngunit kailangan lang ng mahabang pasensya.
Maaaring gayatin ang patatas at iapply ito sa iyong mukha. Gawing parang mask. Maaari ring kuhanin ang katas nito at ihalo sa katas na lemon. Gamit ang cotton ball ay ipampahid ito sa mukha gabi-gabi.
Comments
Post a Comment