Tiyak na karamihan sa mga kababaihan ay ninanais na magmukhang bata hanggang-hangga. Ngunit ang pagtanda ay isang natural na proseso na talagang pagdadaanan ninuman. At di kalaunan ay mahahalata ito sa pamamagitan ng pagkulubot ng balat.
Marami ng paraan ngayon upang mapabata ang mukha at mabanat ang balat upang mawala ang mga wrinkles. Ngunit ang mga cosmetic procedures na ito ay may kamahalan at hindi lahat ay kayang pagkagastusan ito.
Samantala, mayroon namang mga natural na paraan na maaari pa ring makatulong sa iyo upang maiwasan ang maagang pagtanda at pagkulubot ng balat.
1. Egg whites o puti ng itlog
Ang egg whites ay mayaman sa protina at iba pang bitamina na nakakatulong sa pagrepair ng mga tissues sa balat. Ito rin ay nakakapagpa-hydrate at moisturize ng na-damage na balat dulot ng free radicals at stress.
Ang gagawin ay gamitin ang puti ng itlog upang gawing mask. Basagin ang itlog at ihiwalay ang pula nito. Gamit ang egg white ay iapply ito sa iyong mukha na parang mask at hayaang matuyo bago banlawan. Tina-tighten nito ang balat sa mukha upang maiwasan ang paglitaw ng mga wrinkles.
2. Avocado
Ang laman ng avocado ay nakakatulong sa pagpapalambot ng balat sa mukha at tinataasan ang skin elasticity. Ito ay mayaman sa bitamina at mineral na benepisyal sa balat.
Kailangang kayurin ang laman nito at i-mash upang makagawa ng paste. Iapply ang paste sa iyong malinis na mukha ay hayaan ng 30 minuto bago banlawan.
3. Honey
Ang honey ay kilala na nakakatulong upang mabalik ang moisture sa balat. Nakakatulong ito sa pagpapanatili na hydrated ang balat. Mayaman ito sa vitamin B at potassium na nakakatulong upang maimprove ang skin elasticity at suppleness.
Magsalin ng 1 kutsaritang pure honey sa iyong palad. Iapply ito sa mukha gamit ang circular motion. Iwanan muna sa loob ng 20 minuto bago hugasan.
4. Aloe vera
Ang aloe vera ay kilala na bilang ginagamit na isang natural beauty product. Ito kasi ay epektibo sa pagpapanatiling moisturized at malambot ang balat. Nakakatulong ang malamig nitong temperatura sa pagpapaliit ng pores at sa pagiwas ng wrinkles.
Gayatin ang gel ng isang dahon ng aloe vera. Mas masarap ito sa pakiramdam at mas lalong nakaka-refresh kung ilagay muna ang gel sa loob ng ref sa loob ng 30 minutes upang lumamig. Iapply ito sa mukha at imassage ng paikot.
5. Saging
Ang saging ay magandang remedyo sa mga problema sa balat dahil ito ay nakakatulong sa collagen production at iniimprove ang skin elasticity. Nakakatulong rin ito sa paghydrate at pagpapanatiling moisturized ang balat.
Kailangang i-mash ang 2 hinog na saging upang makagawa ng paste. Iapply ang paste na ito sa iyong malinis na mukha at iwanan sa loob ng 30 minuto bago hugasan.
Comments
Post a Comment