Ang constipation ay isang kondisyon sa iyong digestive system na kung saan ang isang tao ay hirap magbawas o hindi mailabas ang kanyang dumi. Kadalasan, ito ay nangyayari kapag kakaunting tubig lang ang iyong naiinom o di kaya ay walang fiber sa iyong kinakain.
Hindi maganda sa pakiramdam ang maging constipated, kaya para maiwasan ito ay dapat mong isama sa iyong pagkain ang mga prutas na ito upang maiwasan ang constipation.
1. Papaya
Ang papaya ay isang prutas dito sa Pilipinas na kahit anong season ay makakabili ka. Minsan pa nga kahit sa inyong mga bakuran ay mayroong tumutubong papaya. Napakagandang kainin ng prutas na ito dahil mayroon itong taglay na bitamina C na nakakapagpalambot ng iyong dumi. Mayroon ding itong protein-digeting enzyme na tinatawag na papain na nakakatulong upang maiwasan ang mga isyu sa iyong digestion.
2. Peras
Karamihan sa mga prutas, hindi napapansin ang peras bilang isang prutas na pangiwas konstipasyon. Sa katunayan, ito ay siksik sa bitamina, antioxidants at isa sa mga prutas na nagtataglay ng maraming fiber. Kaya naman mainam itong kainin ng mga nahihirapang magbawas.
3. Prunes
Ang mga prunes ay mayaman sa fiber kaya naman ginagamit rin itong natural laxative. At ang fiber ay importante upang ang ating dumi ay madaling mailabas ng ating katawan. Ang prutas na ito ay nagtataglay ng sorbitol, isang uri ng sugar na nakakatulong upang maiwasan ang constipation.
4. Pinya
Marahil marami na ang nakakaalam na ang pinya ay nakakautlong maiwasan ang constipasyon. Ito ay ginagamit bilang isang natural na laxative dahil nare-regulate nito ang ating pagdumi. Isang dahilan kung bakit nararanasan ang konstipasyon ay dahil sa kakulangan ng dietary fiber at tubig sa katawan. At ang pinya lalo na ang juice nito ay mayaman sa fiber na siguradong makakatulong upang mas mapabilis ang iyong pagdumi.
5. Strawberry
Ang mga berries tulad ng blackberries, raspberries at strawberry ay halimbawa ng mga prutas na nagtataglay ng good amount ng fiber. Ang mga prutas na ito ay mataas ang water content na nakakatulong upang ma-hydrate ang katawan at ma-maintain ang regular na pagdumi.
Comments
Post a Comment