Ang sugarcane juice ay ang katas o likido na maaaring makuha sa sugarcane o tubo. Ito ay may matamis na lasa at dito rin nagmumula ang asukal na ginagamit natin bilang pampalasa o pampatamis sa iba't ibang pagkain at inumin.
Ang katas ng sugarcane ay alkaline dahil sa mataas na konsentrasyon ng calcium, magnesium, iron, potassium at manganese na may dulot na magandang benepisyo sa katawan. Alamin kung anu-ano pa ang mga benepisyong makukuha sa paginom nito at kung papaano ito iprepare.
1. Pampalakas o energy booster
Ang isang stalk ng sugarcane plant ay mayaman sa sucrose, isang uri ng sugar. Na kapag naabsorb ng ating katawan ay nakakapagbigay ng instant energy boost lalo na kapag ikaw ay dehydrated o mababa ang sugar ng katawan. Maganda itong inumin ng taong stressed o mababa ang enerhiya.
2. Pampababa ng kolesterol
Ayon sa mga pag-aaral, ang katas ng tubo ay nakakatulong sa pagpapababa ng cholesterol level sa katawan, samakatuwid nakakatulong sa kalusugan ng ating puso upang maiwasan ang pagkakaroon nito ng sak!t.
3. Kidney Health
Ito ay isang natural na diuretic o pampaihi. At kapag ang katawan ay mabilis na nailalabas ang ihi, ibig sabihin madaling nalilinis ito at nakakatulong upang maiwasan ang impeksy0n. Ang paginom ng sugarcane juice ay nakakatulong sa pagiwas ng pagkakaroon ng UTI at pagkakaroon ng sak!t sa bato.
4. Iniimprove ang digestion o pantunaw
Nakakatulong rin ito upang mapaganda ang digestion o pagtunaw ng pagkain sa katawan. Dahil sa taglay nitong potassium, iniiwasan nitong magkaroon ng impeksy0n sa tiyan at nakakatulong upang maiwasan ang konstipasyon.
5. Pinapatibay ang buto
Dahil sa taglay nitong mga mineral tulad ng calcium, ang paginom ng isang basong katas ng tubo ay esensyal sa pagpapatibay ng buto. Maganda rin itong inumin upang maiwasan ang osteop0rosis dahil pinupunan nito nang esensyal na mineral at bitamina ang ating mga buto.
6. Nilalabanan ang cavities at mabahong hininga
Ang mineral na calcium at phosphorus na matatagpuan sa tubo ay nakakapagpatibay rin sa enamel ng ngipin upang maiwasan ang madaling pagkasira nito. Ang malakihang amount na nutrients na taglay nito ay nakakatulong rin sa pagiwas ng bad breath na maaaring dulot ng nutrient deficiency.
Paraan paano ihanda:
2 stick ng tubo/ sugarcane stalk
1/2 baso ng tubig
1 tbsp katas ng lemon (optional)
strainer
1. Hugasan muna ang mga tubo at tanggalin ang balat
2. Hiwaiin sa maliliit na piraso at saka iblend
3. Magdagdag ng 1/2 tubig
4. Salain ang mga buo-buo gamit ang strainer
5. Palamigin sa ref
6. Maaaring magdagdag ng 1 tbsp ng lemon juice para sa panlasa (optional)
Comments
Post a Comment