Ang pag-eehersisyo ay nakakawala ng enerhiya. Lalo na kapag mga mabibigat na ehersisyo ang inyong ginawa. Ngunit hindi ibig sabihin na dahil nagehersisyo ka ay bawal kang kumain pagkatapos.
Sa katunayan, dapat ay maibalik mong muli ang iyong enerhiya, at ito ay sa pamamagitan ng pagkain at pahinga. Kaya narito ang mga 'da best na pagkain na dapat kainin matapos mag-exercise.
1. Saging
Kung naghahanap ka ng mabilisang paraan upang maibalik mo ang iyong enerhiya matapos magehersisyo ay kumain ka ng saging. Ito kasi ay mapagkukunan ng potassium na isang mineral na importante sa mga muscles at sa iyong puso. Nakakatulong rin itong maibalik sa normal ang iyong bl0od sugar level.
2. Buko Juice
Matapos mag-ehersisyo, tiyak na ikaw ay nauuhaw, ngunit iwasan na ang paginom ng mga energy drinks na may artipisyal lamang na flavorings. Ang magandang substitute para sa mga ito ay ang buko juice kung ayaw mong puro tubig lang ang iyong inumin. Ang buko juice ay natural at isa ring inumin na makakapagbigay ng electrolytes at enerhiya.
3. Orange juice
Kung ayaw mo naman ng buko juice, pwede rin namang uminom na lang ng orange juice. Ngunit tiyakin na ikaw mismo ang nagpiga nito , hindi iyong mga nabibiling naka-bote lang upang maiwasan ang mga artipisyal na sweeteners. Nakaka-refresh rin ito at makakapagbigay ng suplay ng bitamina, potassium at antioxidants na kailangan ng iyong katawan na nawala noong ikaw ay nagehersisyo.
4. Oatmeal
Ang oatmeal ay nagtataylay ng carbohydrates na nakakatulong upang maibalik ang enerhiya ng katawan matapos mag-exercise. Ito rin ay nagtataglay ng protina na esensyal para sa pagbuild-up ng iyong mga muscles. At fiber na makakapagpabilis sa iyong digestion at pagbabawas.
5. Pitso ng manok
Ang pitso ng manok ay karaniwang kinakain ng mga body builders at mga nagpapalaki ng muscles dahil ito ay nagtataglay ng protina na kailangan ng iyong mga muscles.
6. Salmon
Tulad ng pitso ng manok, ang salmon ay maganda ring kainin matapos magehersisyo dahil sa protein content nito. Bukod dito, mayroon pa itong omega 3 fatty acids na nakakatulong upang maiwasan ang implamasyon sa katawan at mapanatili ang kalusugan ng puso.
7. Quinoa
Ang quinoa ay isang whole grain na tila parang mga buto. Ito ay gluten free at nagtataglay ng esensyal na amino acids. Tulad ng oatmeal ito rin ay magandang source ng protina at complex carbohydrates. Ang maganda rito, dahil mataas ang fiber content nito, agad ka nitong mapapabusog at madali pang matunaw sa tiyan.
Comments
Post a Comment