Marami ang hindi nakakaalam kung ang talong nga ba ay isang gulay o isang prutas. Ayon sa Wikipedia, ang talong/ eggplant/ augberine ay isang plant species mula sa nightshade family na Solanaceae at ito ay isang absorbent fruit.
Marami ang benepisyong hatid sa katawan ng pagkain ng talong, at narito ang rason kung bakit dapat mo itong kainin.
1. Pampatalas ng utak
Ang talong ay itinuturing na isang brain food dahil mayroon itong malakas na antioxidant na nakakatulong protektahan ang cell membranes sa ating utak laban sa mga free radicals. Ayon sa mga pag-aaral ang mga anthocyanins na taglay ng talong ay iniimprove ang daloy ng dugo sa utak at ang memorya.
2. Pinapababa ang kolesterol sa dugo
Ang talong ay nagtataglay ng chlorogenic acid na kilala bilang nakakatulong sa pagpapababa ng bad cholesterol sa ating katawan.
3. Kinokontrol ang diabetes
Ang talong ay ginagamit para ma-control ang diabetes dahil mayroon itong low soluble carbohydrates at mataas ang taglay na fiber content.
4. Mabuti sa digestion o pantunaw
Ang mataas na fiber content ng talong ay nakakatulong sa maayos na digestion sa ating tiyan. Kaya naman benepisyal ito upang maiwasan ang konstipasyon.
5. Iniimprove ang kalusugan ng puso
Katulad ng digestion, ang fiber sa talong ay nakakatulong rin sa kalusugan ng ating puso. Ito ay dahil binabawasan nito ang amount ng kolesterol na inaabsorb ng iyong katawan at mas madali itong mailabas.
6. Pangiwas sa anemia
Ang kakulangan sa iron sa katawan ay maaaring magdulot ng anemia. At kapag ito ay hindi agad naagapan ay maaaring mauwi sa iron deficiency anemia. Samantala, ang mga pagkaing mayaman sa iron tulad na lang ng talong ay makakatulong upang maiwasan ang ganitong kondisyon.
7. Pinapatibay ang mga buto
Ang natural plant compounds na taglay ng talong ay nakakatulong upang maiwasan ang osteoporosis at pinapatibay ang ating buto. Ang iron at calcium na matatagpuan rin dito ay esensyal sa pagpapanatiling sa ating overall bone health.
Comments
Post a Comment