Skip to main content

Anim na Sanhi ng Heartburn at Paraan Kung Paano Ito Maiibsan




Ang lagukan o esophagus ay ang tubong nagdurugtong sa ating bibig at tiyan kung saan dumaraan ang ating mga kinakain at iniinom. Ang kombinasyon ng asido at enzymes sa ating tiyan ang tumutulong para matunaw natin ang mga pagkain at nang magamit ito ng ating katawan bilang enerhiya. Kapag ang asidong mula sa tiyan ay bumalik patungo sa ating esophagus, ito ay isang kondisyon na tinatawag na Gastroesophageal Reflux Disease (GERD). 
Habang ang tinatawag naman ng ilan na HEARTBURN ay isang sintomas na kaakibat ng GERD kung saan makakaramdam nang pananakit ng lalamunan at dibdib na halos  katulad ng pakiramdam kapag ang isang tao ay inaatake sa puso. Ito ay maaaring tumagal ng ilang minuto o ilang oras at karaniwang mas malala pagkatapos kumain.




Mga Nagsasanhi ng Heartburn

May ilang mga pagkain, inumin at gamot na maaaring magsanhi ng iritasyon sa tiyan na pwedeng mauwi sa heartburn. Ilan sa mga ito ay:
  • Alak
  • Inuming may caffeine tulad ng kape at tsaa
  • Soft drinks
  • Tsokolate
  • Mga maasim na pagkain at inumin tulad ng kamatis, katas ng mga citrus na prutas gaya ng kalamansi, lemon, orange atbp.
  • Madalas na pag-inom ng Ibuprofen at Naproxen

Ilan pang posibleng sanhi nito ay:
-Paninigarily0
-Stress
-Pagsuot ng masisikip na damit
-Padadalang tao


Mga Sintomas ng Heartburn
Ang pangkaraniwang sintomas ng heart burn ay ang mainit na pakiramdam sa dibdib at lalamunan sanhi ng asidong umakyat mula sa tiyan. Ang iba pang sintomas ay ang mga sumusunod:
  • Pananakit na maaaring umabot hanggang sa panga
  • Pananakit ng dibdib lalo na habang nakahiga, nakayuko o pagkatapos kumain
  • Maasim at masamang lasa sa likod ng lalamunan
  • Hirap sa paglunok
  • Pakiramdam na animo may nakabara sa dibdib o lalamunan
Mayroon ding operasyon na maaaring isagawa sa mga taong nakakaranas ng matinding acid reflux na pwedeng magsanhi ng pulmonya, mga taong hindi nakakaramdam ng ginhawa sa tulong lamang ng mga gamot at mga taong mayroong GERD na nauwi na sa komplikasyon na tinatawag na Barrett’s esophagus. Ang paraang ito ay depende kung gaano kalala ang kondisyon ng isang tao at ayon sa payo ng mga doktor.


Mga Natural na Paraan upang Malunasan ang Heartburn
Ilang pagbabago sa paraan ng pamumuhay ay makakatulong nang malaki upang maiwasang maranasan ang GERD at heartburn. Ang mga ito ay:


  • Pagkain nang tama. Hindi lamang ang mga pagkaing masustansya ang mahalaga kundi pati na rin ang dami at oras ng pagkain. Maigi na kumain nang pakonti-konti lamang kasya sa maramihan na pwedeng makabigla sa ating tiyan. Maipapayo rin na iwasan na ang kumain kapag malapit na ang oras nang pagtulog.
  • Iwasan ang kumain nang nakahiga
  • Iwasan ang pagbubuhat ng mga bagay na sobrang bigat
  • Panatiliin ang tamang timbang ng katawan
  • Itigil ang paninigarily0 at pag-inom ng alak
  • Regular na pag-e-ehersisyo
  • Baking soda. Pwedeng ihalo ang isang kutsarita nito sa isang basong tubig at inumin upang mabawasan ang mainit na pakiramdam sa dibdib at lalamunan kapag nagkaroon ng acid reflux. Hindi ito ipinapayong gawin araw-araw at lumampas sa higit pa sa isang linggo dahil mataas ito sa asin at maaaring magsanhi ng pamamaga at pagsusuka.

  • Kumain ng mga prutas tulad ng saging, mansanas, melon at pakwan
  • Luya. Maiging ilaga ang ilang hiwa ng luya sa kumukulong tubig sa loob ng 30 minuto at inumin. Makakatulong ito hindi lamang sa GERD kundi sa iba pang mga karamdaman sa tiyan. Mainam na inumin ang tsaa bago kumain upang mas maging epektibo.
  • Mustard. Sinasabing ang pagkain ng isang kutsarita nito kapag nakakaramdam na ng mga sintomas ng GERD ay makakapagbigay ng ginhawa.
  • Chamomile tea. Ang tsaang ito ay nakakatulong balansehin ang lebel ng asido sa tiyan kaya mainam na inumin ito 30 minuto bago matulog upang makatulog ng mas payapa.

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao.  Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan: 1. Tuna Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki.  2. Tilapia Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito.                          3. Palos o Igat  Maaari itong magsanhi ng