Skip to main content

Apat na Pangit na Epekto sa Kalusugan ng Madalas na Pagkagat ng Kuko




Isa ka ba sa mga taong napapakagat sa iyong mga kuko? Alam niyo ba kung bakit natin ito madalas nagagawa? Dahil ang inboluntaruong pagkagat ng kuko ay posibleng nagiging kaugalian ito dahil maaaring dulot ng iba't ibang mga bagay tulad ng sa tuwing taya ay nag-iisip, nai-stress, kinakabahan, naiinip o kung mayroon kang Obsessive Compulsive Disorder. Ang pagkakagat sa ating mga kuko ay maaaaring magdulot ng kapahamakan sa ating kalusugan. Alamin ang mga maaaring iduot nito sa atin. 


Ito ang mga maaaring idulot ng pagkagat ng kuko sa ating kalusugan: 

1. Mikrobyo sa kuko na maaaring pumasok sa ating sistema

Isa sa mga pinakamaruming parte ng katwan ay ang kuko. Dahil sa ilalim ng mga kuko sa ating daliri ay pinamumugaran ng maraming mga iba't ibang mikrobyo. Maaaring makapasok ang mga ito sa ating katawan sa pamamagitan ng pagkagat sa mga kuko. Ayon rin sa isang pag-aaral nakitaan ng E.Coli bacteria ang mga tao na nakaugaliang kagatin ang kanilang mga kuko. Ang bakterya na ito ay maaaring maging sanhi ng pananakit ng tiyan. Kung patuloy na gawin ang kaugalian ay hindi nalalayong pagmulan ng pangmatagalang sak!t. 



2. Pagkakaroon ng sipon o trangkaso 

Maraming mga cold virus ang lumulutang sa ating paligid. Kaya naman upang maiwasan na maranasan ito ay panatilihing maging malusog at malakas ang iyong pangangatawan. Posibleng kumapit din ang virus sa ating mga kuko kaya importante ang mapapanatiling malinis ang iyong mga kamay. Maghugas lagi ng mga kamay pagkatapos ng isang gawain. Alisin sa iyong sistema ang pagkagat sa iyong kuko nang sa gayon malayo sa panganib. 

3. Pagkasira ng ngipin 

Ang kasanayang pagkagat ng kuko ay maaaaring makaapekto sa ating ngipin at gilagid. Nakita ng mga dalubhasa na sa gawaing ito ay maaaring pagmulan ng pagkabiyak, pingas o pagrupok ng mga ngipin. Nagdudulot rin ito ng pagkasira ng tissue sa gilagid at pananakit. Upang maiwasan itigil na ang pagkagat sa kuko ng iyong daliri ang sa gayon malayo sa anumang mga karamdaman na maidudulot nito. 




4. Impeksyon sa daliri 

Ang Chronic paronychia ay isang impeksyon na nagyayari kung nasusugatan ang mga kuko.Madali lamang makapasok ang mga bakterya at fungus sa sugat na ito. Maaring makaramdam ng sobrang pananakit ng parteng apektado at humahantong sa surgery upang mapagaling. Sa iyong madalas na pagkagat sa kuko ay nagdudulot ng pinsala na may posibilidad na hindi tumubo ng maayos, maging permanente ang pinsala, humantong sa pagkakaroon ng ingrown at peklat sa kuko.

Comments

Popular posts from this blog

Huwag Mag-iiwan ng Water Bottle sa Loob ng Sasakyan Dahil Ito ang Delikadong Maaaring Mangyari

Ang sarap nga naman bumili ng bottled water lalo na kung ito ay malamig at kung tayo ay uhaw na uhaw na. Karamihan sa atin tuwing bumabyahe ay kadalasang may dala-dala tayong mga water bottle. At karaniwan din nating nakakalimutan o iniiwan ang mga ito sa loob ng ating sasakyan kung saan ito ay umiinit kapag nakatutok ang araw sa sasakyan. Hindi lang masama sa ating kalusugan ang pag-inom nito kapag naiwan ito sa loob ng sasakyan kundi ito rin pala ay delikado para sa ating mga kotse.
Ayon sa mga eksperto, ang pag-iwan ng water bottle sa loob ng sasakyan habang tirik na tirik ang araw ay maaaring magsanhi ng sunog dahil sa kemikal ng plastic bottle. Tulad nalang sa nangyaring insidente sa isang lalaki na ito.



Ayon sa lalaki habang nakaupo siya sa kaniyang sasakyan ay bigla na lamang niyang napansin na may umuusok mula sa harapang upuan. Sa paghahanap ng higit pang imbestigasyon ay napag-alaman na nanggagaling ito sa water bottle na nasisinagan ng araw at nagtamo ng dalawang butas sa kan…

Huwag Ninyong Ipagsabay ang Pagkain ng Instant Noodles at Softdrinks Dahil Ito ang Posibleng Mangyari sa Inyo!

Pamilyar ba kayo na kapag inilagay ninyo ang mentos candy sa isang bote ng coke ay nagkakaroon ng ito physical reaction kung saan ito ay maaaring magdulot ng eruption o ang pagsabog ng softdrinks sa loob ng bote nito?
Subalit alam niyo ba kung ano ang mangyayari kung kumain kayo ng instant noodles at uminom kayo ng softdrinks? 


Sa isang viral na kwento ng isang netizen na si Xiao Chao sa Hangzhou China, idinala ito sa emergency room matapos siyang kumain ng instant noodles at uminom ng softdrinks.
Ito ay nakaramdam ng pananakit ng kanyang tyan at pananakit ng kanyang balikat, bewang at likod. Sinubukan i-diagnose ng mga doktor ang kanyang kalagayan subalit hindi nila matukoy kung ano ang nagdulot nito. Binigyan ito ng mga gamot na pantanggal ng pananakit ng tyan subalit matapos ang ilang oras ay patuloy parin ang kanyang nararamdaman.


Sumailalim ito sa Abdominal xray upang malaman ng mga doktor ang sanhi ng kanyang abdominal pain. At ang kanilang nakita ay punong-puno ng gas ang loob ng k…

8 Na Paraan Kung Paano Mo Mapapasaya Ang Iyong Asawa (Misis)!

Ayon nga sa isang kasabihan, "A happy wife means a happy life." Maraming paraan kung paano mo mapapanatiling masaya ang iyong asawa. Ang pagiging isang mabuting asawa ay isa mga bagay na magpapatatag sa inyong relasyon.
Mayroong mga simple at maliliit na bagay na pwede mong gawin upang mapanatili mong masaya si misis! Narito at alamin ninyo!
1. Pagsabi ng "i love you" o "mahal kita" ng madalas
Ang simpleng pagsabi ng 'i love you' ay isa ng malaking bagay ng pagpapakita kung gaano mo siya kamahal. Kaya sabihin ito ng madalas at buong puso.

2. Respetuhin ang kanyang privacy at personal space
May mga oras na kinakailangan ng mga babae na magkaroon ng "me time" o ang pagkakaroon ng oras para lang sa kanyang sarili. Bigyan siyang oras na makapunta sa salon, magpa-manicure, magpa-spa o magkaroon ng oras para sa ibang bagay para siya ay makapag-relax. 
3. Tumulong sa mga gawaing bahay
Matagal ng nakasanayan na ang mga babae ang siyang gumagawa ng…