Skip to main content

Dalawang Paraan Para Guminhawa ang Pakiramdam na Dulot ng Sinusitis




Sa pagbabago-bago ng panahon ay hindi maiwasan ang pagkakaroon ng iba't ibang karamdaman na dulot ng virus at bacteria. Nandiyan na ang pag-ubo, sipon, lagnat, trangkaso, at sinusitis. Madalas nating balewalain ang mga simpleng sipon at ubo dahil alam nating madali lamang itong magamot. Subalit alam niyo po ba na kapag ito ay napabayaan ay maaaring magdulot ng kapahamakan? Tulad na lamang ng sinusitis na madalas maranasan ng ilang tao.

Ang Sinusitis ay madali lamang magamot subalit kung ito ay napabayaan ay maaaring lumala ito at magdulot ng kapamahakan sa ating sinuses.




Ano ang sinusitis? 

Ang Sinusitis ay ang pamamaga ng mga tissues sa loob o na nakapalibot sa ating mga sinuses sa ilong kung saan madalas ay nagreresulta sa pagbabara, pagkakaroon ng sipon at paglala ng impeksyon sa ilong. May iba't ibang uri ang sinusitis ito ang acute sinusitis, subacute inflammation, chronic inflammation, recurrent sinusitis. Ang mga uri na ito ay maaaring magtagal ng ilang linggo, buwan, o pabalik-balik sa loob ng isang taon. 

Karaniwang nagiging sanhi ng sinusitis ang pagkakaroon ng impeksyon. Gayunpaman ang pagkakaroon ng bisyo tulad ng paninigarily0 ay maaaring pagmulan ng sinusitis. 

Ating alamin sa artikulong ito kung ano nga ba ang iba pang sintomas nito upang malaman kung ikaw ba ay may sinusitis o pangkaraniwang sipon lamang. 



Mga sintomas: 

-Pagkakaroon ng baradong ilong o kaya runny nose 

-Madalas na pagiging matamlay o pagkahapo 

-Pagkawala ng pang-amoy 

--Pananakit ng mukha dahil sa pressure na parang namamaga ito 

-Lagnat, ubo at pananakit ng ulo 

-Pagkakaroon ng mabahong hininga 

--Pagsakit ng ngipin 

Paglabas ng malapot at kulay berde o dilaw na likido sa iyong ilong na para bang may nana rin ito. 

Ngayon nalaman na ang ilang mga sintomas ng sinusitis ay alamin naman natin kung ano ang maaaring gamiting remedyo para sa paggamot rito. Bukod sa pagresta ng doktor na mabibili natin sa mga botika may mga epektibong lunas rin na makikita mula sa ating tahanan. 

Maaaring gawin ang mga hakbang na ito upang matulungan o mabilis ang paggaling ng nararanasang karamdaman:

1. Apple Cider

Maraming mga benepisyong nilalaman ang apple cider na nakabubuti sa ating kalusugan. Kaya ang sinusitis ay isa sa mga karamdamang kaya nitong malunasan dahil sa mineral at bitamina na taglay nito ay nakababawas sa mga sintomas ng allergy na kung saan nababalanse ang PH sa ilong at sinuses upang guminhawa ang paghinga. Idagdaga pa ang antifungal at antibacterial nito na siyang ring tumutulong upang mabilis ang paglunas sa sinusitis. 

Direksyon sa paglunas ng sinusitis gamit ang apple cider: 

Paghaluin ang isang kutsarang apple cider sa isang basong maligamgam na tubig. Uminom nito ng dalawang beses sa isang araw upang mas maging mabisa. Maaari mo rin itong umumog kung gugustuhin.

2. Essential Oils


Ito ay isang antimicrobial na kung saan mabisang pang-iwas sa pamumula ng ilong. Gayunman nakatutulong bilang isang natural na paraan upang maibsan ang kasikipan sa paghinga dahil sa baradong ilong. 

Kailangang gawin upang makuha ang benepisyo nito: 

Ihanda ang apat na patak ng halamang langis, lavender oil at lemon oil. Paghaluin ang mga ito at maglagay ng dalawang patak sa iyong mga kamay. Masahiin ang iyong batok, leeg at noo ng dahan-dahan. Huminga ng malalim upang lasapin ang amoy ng langis. Maaari itong ulitin ng dalawa hanggang tatlong beses hanggang sa ikaw ay maginhawaan. Magpalipas lamang ng ilang oras.

Huwag po nating hayaan na lumala ang ating sinusitis dahil may kaakibat itong panganib sa ating kalusugan dahil ang mga tissues natin sa loob ng ilong ay napakasensitibo sa impeksyon.

Comments

Popular posts from this blog

Huwag Mag-iiwan ng Water Bottle sa Loob ng Sasakyan Dahil Ito ang Delikadong Maaaring Mangyari

Ang sarap nga naman bumili ng bottled water lalo na kung ito ay malamig at kung tayo ay uhaw na uhaw na. Karamihan sa atin tuwing bumabyahe ay kadalasang may dala-dala tayong mga water bottle. At karaniwan din nating nakakalimutan o iniiwan ang mga ito sa loob ng ating sasakyan kung saan ito ay umiinit kapag nakatutok ang araw sa sasakyan. Hindi lang masama sa ating kalusugan ang pag-inom nito kapag naiwan ito sa loob ng sasakyan kundi ito rin pala ay delikado para sa ating mga kotse.
Ayon sa mga eksperto, ang pag-iwan ng water bottle sa loob ng sasakyan habang tirik na tirik ang araw ay maaaring magsanhi ng sunog dahil sa kemikal ng plastic bottle. Tulad nalang sa nangyaring insidente sa isang lalaki na ito.



Ayon sa lalaki habang nakaupo siya sa kaniyang sasakyan ay bigla na lamang niyang napansin na may umuusok mula sa harapang upuan. Sa paghahanap ng higit pang imbestigasyon ay napag-alaman na nanggagaling ito sa water bottle na nasisinagan ng araw at nagtamo ng dalawang butas sa kan…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…

8 Na Paraan Kung Paano Mo Mapapasaya Ang Iyong Asawa (Misis)!

Ayon nga sa isang kasabihan, "A happy wife means a happy life." Maraming paraan kung paano mo mapapanatiling masaya ang iyong asawa. Ang pagiging isang mabuting asawa ay isa mga bagay na magpapatatag sa inyong relasyon.
Mayroong mga simple at maliliit na bagay na pwede mong gawin upang mapanatili mong masaya si misis! Narito at alamin ninyo!
1. Pagsabi ng "i love you" o "mahal kita" ng madalas
Ang simpleng pagsabi ng 'i love you' ay isa ng malaking bagay ng pagpapakita kung gaano mo siya kamahal. Kaya sabihin ito ng madalas at buong puso.

2. Respetuhin ang kanyang privacy at personal space
May mga oras na kinakailangan ng mga babae na magkaroon ng "me time" o ang pagkakaroon ng oras para lang sa kanyang sarili. Bigyan siyang oras na makapunta sa salon, magpa-manicure, magpa-spa o magkaroon ng oras para sa ibang bagay para siya ay makapag-relax. 
3. Tumulong sa mga gawaing bahay
Matagal ng nakasanayan na ang mga babae ang siyang gumagawa ng…