Skip to main content

Ito ang Dahilan Kung Bakit Hindi Maganda ang Naidudulot ng Pag ulit-ulit na Gamit ng Plastic Bottles o Container!




Alam naman natin na pangunahing problema ang plastik sa ating kalikasan dahil sa masamang dulot nito. Subalit alam niyo ba na hindi lamang sa kalikasan ang masamang epekto na ito? Masama rin ito sa ating kalusugan. Ating alamin kung ano ang masamang dulot nito sa katawan lalo na paggamit ng plastic para sa ating pagkain o inumin.



Isa ka ba sa mga taong inuulit-ulit na gamitin ang plastik na bote para lagyan muli ng panibagong tubig o kaya naman pinaglalagyan ng iba pang klase ng inumin upang makatulong sa pagbawas ng plastik na basura? Kung nakagawian mo na ito ay nararapat na iwasan mo na ito dahil ang maaaring maging epekto ng plastik sa ating kalusugan ay hindi kanais-nais.


Ang pag-uulit ng bottled water ng ilang beses ay masama sa kalusugan dahil maaring matunaw ang mga kemikal ng plastic at ito ay iyong mainom kung saan posibleng magdulot ng masamang epekto. 

Ano nga ang nilalaman ng ilang mga bottled water at bakit ito masama sa ating kalusugan?

1. Bisphenol A

Ang sangkap na ito ang nagiging dahilan sa pagtubo ng nakakasamang bakterya mula sa sirang bote na siya rin makikita sa plastik straw. Kaya naman ito ang nagdudulot ng masamang epekto at malalang problema sa kalusugan. Ang kasanayang ito ay lingid sa ating kaalaman na mayroon palang masamang epekto sa ating kalusugan.



2. Estrogenic chemicals

Hindi man ito kasing popular ng BPA parehas lamang ang epekto nito sa ating kalusugan. Ito ay nakakasama dahil hindi maganda ang dulot nito sa hormones ng isang tao. Madalas mayroong estrogenic chemicals ang mga plastic bottles na ating ginagamit.


3. Microplastic contamination

Ayon sa isinagawa na pag-aaral, ang dalawang daan limamput anim na boteng sinuri ay nakitaan ng siyamnaput tatlong porsyento na kontamido ng microplastic. Napag-alaman din na ang mga single use na plastik ay gawa sa PET. Samantala, ayon naman sa mga pagawaan na gumagamit sa naturang kemikal ay sinasabing ligtas na gamitin sa unang beses lamang ang bote ngunit kung uulitin ay maaaaring makapagkontamina ng tubig kung ito ay maiinitan at magasgasan na siyang makakasama sa ating sikmura.

4. Bakterya at germs

Kahit ang mga plastic na bote ay pinamamahayan din ng mga bakterya at germs. Maaaring mula ito sa kamay at bibig na napapasa lamang sa bote. Nangyayari ito sa lahat ng inumin dahil maaaring maliit ang daluyan ng pag-inuman kaya hirap linsin kaya pamumugaran ito ng mga bakterya at germs. Kaya upang maiwasan ang masamang dulot nito huwag uulit-uliting gamitin ang plastik water bottle. At para na rin sa mas ikakaganda ng iyong kalusugan gumamit na lamang ng inuman na babasagin o kaya gawa sa stainless.

Huwag po tayong mag ulit ng mga water bottle lalo na kung ito ay naarawan o nababad sa init dahil hindi natin alam na baka natunaw pala ang mga kemikal sa loob at nahalo sa tubig na ating iinumin. 

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl