Skip to main content

Ito ang Dahilan Kung Bakit Nakakabahala ang Pagkakaroon ng Namamagang Kulani




Ang mga kulani o kilala rin sa tawag na lymph nodes ay mahalagang parte ng ating katawan dahil tumutulong sila sa pagsala ng mga bacteria o virus. Sila rin ang nagsisilbing tirahan ng mga antibodies o yaong mga sundalo sa ating katawan na siyang pumupuksa at pumipigil sa pagkakaroon ng impeksiyon. 

"Ang kulani ay masasabi natin na parang barracks, tirahan ng mga panlaban natin sa karamdaman o soldier of the body," pahayag ni Dr. Edwin Bien, medical director ng LeBien Wellness Specialists. 


Nangyayari ang pamamaga ng parteng ito ng ating katawan kapag naghalo ang impeksiyon at lymphatic fluids na naglalaman ng white blood cells na siyang dumadaloy sa lymph nodes. Maadalas natin itong makita at makapa sa kili-kili, dibdib, singit, tiyan at sa likod ng ating leeg. Kapansin-pansin rin na lumalabas ang mga ito kapag mayroon tayong malaki at namamagang sugat o di kaya naman ay ubo, sipon at lagnat. Kusang nawawala ang maliliit na bukol na ito kapag nalunasan na ang sugat o sakit kaya naman parang naging normal nalang sa atin ang pagkakaroon ng kulani. 




Ayon pa nga kay Bien, kadalasan ay hindi nakakapa ang mga kulani at kapag lumaki ito ng lumaki, nangangahulungan na mayroong hindi tama sa ating katawan kaya naman mas mainam na magpasuri kaagad sa doktor upang malaman agad ang estado ng iyong kalusugan dahil posible itong sintomas na pala ng mga sumusunod na kondisyon:

-k@nser
-tuberculosis
-lupus
-mababang immune system

Kapag hindi naagapan ang paggamot sa impeksiyon ay maaari din itong magdulot ng komplikasyon kagaya ng: 




• pagkakaroon ng nana na kung saan kinakakailangan itong tanggalin at gamutin sa pamamagitan ng antibiotics upang masigurong hindi na kumalat pa sa ibang parte ng ating katawan.

• Impeksiyon sa daluyan ng dugo (bacteremia) - Ang impeksiyon ito ay dulot ng bacteria at kilala rin sa tawag na sepsis. Nakam@matay ang sakit na ito at nangangailangan rin ng antibiotics para magamot.

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl