Ang kolesterol ay may dalawang uri, ito ang high-density lipoprotein(HDL) o isang good kelosterol na kinukuha ang mga sobrang kolesterol at ibinabalik sa ating atay. Samantalang ang low-density lipoprotein (LDL) ay bad kolesterol na pumapasok sa ating katawan.
Ito ay kadalasang nagiging sanhi nag pagbara sa ating aterya na kung saan nagreresulta ng kapahamakan sa ating kalusugan. Sa katunayan ang pagkakaroon ng mataas na kolesterol ay walang sintomas. Isang blood test ang maaaring gawin upang malaman ng tao kung mataas ang kaniyang kolesterol. Ngunit para sa inyong kaalaman may mga gawain at kadahilanan na maaaring maging sanhi ng pagtaas ng kolesterol. Ano nga ba ang mga ito?
1. Kawalan ng tamang diyeta

2. Labis na katabaan
Maiuugnay ito sa unang nabanggit dahil kung walang kontrol sa pagkain ay maaaring magresulta ng sobrang katabaan. Kaya naman ang taong nagtataglay ng body mass index na tatlumpu pataas ay nangangahulugang nalalapit sa pagkakaroon ng mataas na kolesterol.
3. Hindi nag-eehersisyo
Alam naman natin na napaka-importante ng pagehersisyo upang mapanatiling malusog ang pangangatawan. Kaya ang paggawa sa araw-araw nito ay matutulungan ang iyong katawan na mapataas o mapadami ang mga good kolesterol sa iyong katawan. Samantalang ang bad kolesterol naman ay nababawasan at nalalayo pa sa kapahamakan ang kalusugan.
4. Malaking sukat ng balakang
Kung napapansin mo sa paglaki ng timabang ay sumusunod rin ang paglaki ng ating katawan. Kaya ang mga taong may sukat na apat na pung pulgada sa lalaki at tatlumput limang pulgada sa babae ay mataas ang kanilang tiyansa na makaranas ng mataas na kolesterol.
5. Paninigar!ly0
Ang sigarily0 ay lubos na nakakasama sa ating kalusugan. Nakakaapekto ito sa walls ng blood vessels na mas pinapadaling makaipon ng fatty deposits. Pinapababa rin nito ang lebel ng HDL o ang good kolesterol sa ating katawan.
6. Diabetes
Ang karamdamang diabetes ay napaka-karaniwan na sa panahon ngayon. Maaaring dahilan ito ng mga kinakain natin sa araw-araw. Maraming maaaring maging epekto sa ating kalusgan ang pagkakaroon ng mataas na asukal sa dugo. Nagreresulta rin ito ng mataas na bad kolesterol at mababang good kolesterol. Idagdag pa na maaari nitong masira ang daluyan ng aterya kung nakakaranas ng mataas na asukal sa dugo.
Sa pagkakaroon ng mataas na kolesterol ay maaaring maramdaman ang mga ito:
-Pananakit ng dibdib, kamay, paa at katawan
-Hirap sa paghinga
-Pagkabalisa o kawalan ng pagkaramdam ng antok
-Hindi pagkatunaw, heartburn, hindi magandang pakiramdam
-Pagkahilo at pananakit ng batok
-Pagkakaroon ng mataas na presyon
Ang pagkakaranas ng mataas na kolesterol ay maaaring ikapahamak ng iyong kalusugan. Maaaring umabot sa puntong magkaroon ng sak!t sa puso, pananakit ng dibdib, atake sa puso at stroke.
Comments
Post a Comment