Skip to main content

Ito ang Limang Dahilan Kung Bakit Madalas na Kagatin ng Lamok ang Iyong Anak




Sa tuwing kapanahunan ng tag-ulan madalas tayong magkasakit nariyan ang pag-ubo, sipon at lagnat. Talamak rin ang dengue dahil sa panahon na ito mas mabagsik kung umatake ang mga pesteng lamok. Kaya naman nakakabahala ito para sa atin at mga anak Lalo na't tumataas ang mga bilang ng nagkakasakit ngayon kumpara sa nakaraang taon. 


Marami rin sa mga taong ito na hindi nabigyan ng agarang gamutan at humantong sa pagkawala ng buhay. Upang maiwasan ito, alamin ang mga dahilan kung bakit nga ba madalas kagatin ng lamok ang inyong mga anak kumpara sa ibang mga bata.

Narito ang limang rason kung bakit madalas siyang kagatin ng mga lamok:

1. Madalas pagpapawis dulot ng patakbo-takbo o paglalaro ng iyong anak

Ang sobrang paggawa at paglabas ng mga ilang uri ng kemikal sa ating katawan ay siyang dahilan kung bakit lapitin tayo sa mga lamok. Tulad na lamang ng lactic acid, uric acid at ammonia na lumalabas sa ating katawan kasama ng pawis. Kung ang iyong anak ay madalas na maglaro o gumalaw galaw kung saan madalas pagpawisan, ang pawis na ito ay siyang umaakit sa insekto sa kanilang paligid.

Matatalas ang mga pakiramdam ng mga lamok lalo na sa hapon. Kaya naman ang mga batang madalas maglaro sa kainitan ng araw hanggang sa dapit hapon na labis ang pagpapawis dahil sa pag-iinit ng kanilang katawan at sikat ng araw ay siyang dahilan kung bakit gustong gusto silang lapitan ng mga lamok. Bakit? Dahil ang lactic acid na lumalabas kasama ng kanilang pawis ay siyang mas nagpapaakit sa mga lamok. Isa rin kadahilanan ang pagkakaroon ng mainit na temperatura sa katawan gaya na lamang ng buntis kaya karaniwan silang lapitan ng mga lamok. 




2. Malakas ang paghinga ng iyong anak 

Ayon sa nag-aaral ukol sa mga insekto, sinasabing isa sa mga paraan kung paano nahahanap ng lamok ang kanilang mabibiktima ay sa pamamagitan ng kanilang paghinga. Dahil kahit na nasa layong limapung metro naamoy pa rin nila ang carbon dioxide na galing sa ating hininga. Ang mga taong matatanda ay mas malaki ang naibubuga nilang carbon dioxide sa tuwing humihinga kaya naman ito ang dahilan kung bakit mas kinakagat ng mga lamok ang matatanda. Ngunit kung ang mga bata ay labis ang pawis, mainit na temperatura sa katawan at madalas na hingal dahil sa pagod sa paglalaro, maaaring nagiging dahilan  ito kung bakit mas lapitin sila sa pagkagat ng lamok. 


3. May amoy ang paa ng iyong anak 

Ayon sa isang pag-aaral noong 2011 napag-alaman na ang mga lamok ay naaakit sa kakaibang amoy na dulot ng iba't ibang bakterya sa ating balat. Kabilang ang paa sa parte ng ating katawan na kung saan pinamumugaran ito ng napakaraming bakterya. Kaya naman isa ito sa maaaring rason kung bakit madalas tayong kinakagat ng lamok sa ating paa. Idagdag pa ang pinaghalong amoy ng mabahong medyas at carbon dioxide na kung saan mas nakakaakit ito sa mga lamok na nagdadala ng dengue. 



4. Mahilig mag suot ng mga madilim na kulay 

Inirerekomenda ng Department of Health na mag suot ng mga mahahabang mangas, pantalon, jogging pants o panjama na may magaan na kulay lamang upang maiwasan ang atensyon ng mga lamok. Dahil pangunahing ginagamit ng mga lamok ang kaniyang paningin sa paghanap ng taong mabibiktima. Madali nitong makita ang mga taong nakasuot ng madidilim na kulay. Kaya iwasan ang mga pagsusuot ng damit sa inyong anak na may matitingkad na kulay tulay ng itim, navy blue at pula. 


5. Maaaring maging dahilan ang blood type

Ang mga babaeng lamok ang madalas mangagat dahil sila ay kumukuha ng protina na kailangan upang makagawa ng kanilang itlog. 

Ayon na rin sa isang pag-aaral noong 2004 doble ang tiyansa na puntahan ng mga lamok ang taong may Blood Tyoe O kumpara sa Blood Type A. Samantalang ang mga nasa type B ay nasa pagitan ng dalawang nabanggit. Ngunit kahit ano man ang uri ng blood type ay nangangailan pa rin ng pa-iingat dahil ito ang mas makatutulong sa atin upang maiwasan ang dengue.

Ugaliin na maglinis ng kapaligiran at magpahid ng panlaban sa mga lamok. Kung sakali man na may naramdaman sa iyong sarili matapos makagat ng lamok ay mainam na komunsulta kaagad sa doktor.

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan. 
At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila!
1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5
Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe'
Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar, that's pretty cool. I like tha…

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing. 
Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo.
1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser
Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo. 
2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema
Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis na tela sa pinaghugasang bigas at id…

Iwasan ang Pagkain ng mga Ganitong Klase ng Isda Dahil Posible Pala Itong Magdulot ng Masama sa Ating Kalusugan!

Kapag sawa na sa karne ng baboy, manok at baka, gustong kinakain ng mga tao ay ang isda. Mas gusto rin ng iba ang isda dahil ito raw ay mas masustansya kaysa sa ibang karne. Ngunit may mga ilang isda na dapat palang iwasang kainin sapagkat maaaring magdulot ito ng ikasisira at ikasasama ng kalusugan ng tao. 
Narito ang ilang isda na karaniwan nating nabibibli na hindi pala ganun kaganda sa ating kalusugan:
1. Tuna
Ang Tuna ay kadalasang binibili ng mga tao sa merkado. Ito ay mayroong mercury na nakakasama sa kalusugan lalo na ang pagkain ng “blackfin” at “Bluefin” na Tuna. Ang ilang tuna rin ay nanggagaling sa mga palaisdaan na mayroong antibiotics at mga hormones na pampalaki. 


2. Tilapia
Maaaring tumaas ang presyon ng tao dahil mayroon itong mga taba kaya maaari itong magdulot ng panganib sa kalusugan. Sa iba naman, maaaring magkaroon ng allergy kapag kinain ito. 3. Palos o Igat 

Maaari itong magsanhi ng stroke o sak!t sa puso dahil mayroon itong LDL o masamang kolesterol na maaaring maka…