Napakahirap naman talaga magkaroon ng iniindang karamdaman, kaya nararapat nating pangalagaan ang ating kalusugan upang sa gayon ay malayo tayo sa ano mang mga kapahamakan na maaaring maranasan.
Ano nga ba ang kahalagahan ng bato o kidney sa ating katawan?
Ang bato ang siyang sumasala sa mga toxins sa ating katawan kung saan sa pamamagitan ng ating pag-ihi ay nailalabas ito. Ngunit kung hindi natin pangangalagaan ang ating bato ay maaaring mapinsala ito na siya naman nagiging dahilan ng pagkakaroon ng karamdaman.
Kapag ang isang tao ay mahihilig sa maaalat at matatamis na pagkain ay maaaring mamuo ang mga ito at bumara sa ating kidney na siyang magdudulot ng tinatawag na bato sa kidney. Maaari itong magkaroon ng impeksyon at pagbara sa daluyan ng ihi. Kung mapapabayaan ay maaaring mauwi sa pagsakabilang buhay ang karamdamang ito.
Upang maiwasan ang nasabing karamdaman ay kinakailangan na iwasan ang mga ito:
1. Pag-antala sa pagpunta ng banyo
Kung nakagawian mo ng pigilan ang iyong ihi at halos pakiramdam mo ay punong-puno na ng laman ang iyong pantog ay maaaring maging sanhi ito ng pinsala sa iyong katawan. Ang pagpipigil sa ihi ay nakakasira sa iyong pantog na maaaring umabot sa puntong maaapektuhan ang inyong kidney.
Ang pagpigil sa iyong ihi ay nagdudulot ng mas madaming toxins sa ating katawan dahil hindi ito regularly na lumalabas sa ating sistema. Kapag bumalik ito sa ureter at bato ay maaaring humantong sa impeksyon ng bato at ihi, pamamaga ng bato at uremia. Kaya naman kapag naramdaman na ang tawag ng kalikasan ay huwag ng pigilan pa upang malayo sa kapahamakan ang iyong kalusugan. Sabi nga "prevention is better than cure".
2. Huwag kumain ng maalat at matamis
Karaniwan na sa ating kaalaman na pangunahing sanhi ng pagkakain ng maaalat ay nagdudulot ng pinsala sa bato. Ngunit alam mo ba na ang sobrang pagkakain ng matatamis ay maaari din na makapinsala rito kung saan posible pang makapagpataas ito ng iyong blood sugar level.
3. Huwag kumain ng sobrang karne
Ang lahat ng sobra ay nakakasama sa ating kalusugan kaya naman upang mapanatili itong maayos ay kinakailangan na sapat lamang ang mga dapat na kailangan ng katawan. Hindi lamang pagtaas ng presyon at kolesterol ang masamang dulot ng karne sa ating kalusugan kung hindi pati na ang pagkasira ng ating bato na kung saan maaaring magsimula sa kidney disease. Kaya nararapat na iwasan ang pagkain ng sobra sa mga karne.
4. Sobrang caffeine ay hindi nakakabuti
Isa ang caffeine sa mga sangkap na inumin na ating kinagihiliwan. Ngunit mabahala sa dulot nito sa ating pangangatawan. Kapag ang sangkap na ito sumobra sa ating katawan maaari itong magdagdag ng presyon sa ating dugo na siyang magsisimulang manira sa ating bato.
5. Uminom ng sapat na tubig
Upang maisagawa ng mabuti ang mga tungkulin ay kinakailangan na hydrated ang ating bato para maisala nito ang mga toxins sa ating katawan ng hindi naiiwan ang mga toxins sa ating dugo. Uminom ng sapat na dami ng tubig upang matulungan na maging malusog at maayos ang pagkilos ng ating bato. Tandaan na walo hanggang sampung baso ng tubig ang kailangan na inumin upang ma-flush out ang mga bad chemical sa ating katawan.
6. Sobrang timbang
Ang taong may mataas na body mass index, sobra sa timbang, malaking sukat ng bewang, sobra sa taba ay sinasabing mataas ang kanilang tiyansa na magkaroon ng karamdaman sa bato o kidney disease kaya siguraduhin na tama lamang ang iyong timbang at laging i-monitor ito.
7. Family history
Kung meron sa iyong pamilya na nakakaranas ng karamdaman sa kaniyang kidney ay posible rin na mataas ang tiyansa mo na magkaroon nito. Kaya naman upang maiwasan ito ay dapat na maging maingat sa iyong mga kinakain at sa iyong sarili upang bumaba ang iyong risk sa pagkakaroon ng sak!t sa kidney.
8. Paggamot sa huli
Nakasanayan na natin na pupunta lamang sa mga doktor kung may masamang nararamdaman sa ating pangangatawan. Ang kaugaliang ito ay dapat ng baguhin dahil isa ito sa nagiging sanhi ng kapahamakan sa kalusugan. Dapat nating ingatan ang sarili at ugalihing magpakonsulta sa mga doktor kung may nararamdaman man o wala upang sa gayon ay tiyak na walang ano mang nakakabahalang karamdaman ang iyong nararanasan.
Comments
Post a Comment