Ang mga edad na animnaput lima pataas ay sila ang madalas na magkaroon ng karamadamang tinatawag na Alzheimer's Disease. Karaniwang naapektuhan ng dementia, pagkawala ng memorya, pagiisip at paguugali ang isang taong nakakaranas ng Alzheimer's.
Ang ganitong klaseng karamdaman ay wala pa ring gamot na natutukoy upang malunasan ito. Ang maaari lamang na maibigay ng mga dalubhasa ay ang mapabagal ang mga sintomas na nararanasan ng tao upang hindi tuluyang magkaroon agad ng Alzheimer's.
Para sa inyong kaalaman, ibabahagi namin sainyo kung ano nga ba ang mga pangunahing senyales o sintomas na maaaring magkaroon ng Alzheimer's ang isang tao.
1. Unti-unting pagkawala ng memorya
Isa ito sa karaniwang sintomas o senyales sa pagkakaroon ng Alzheimer's Disease. Maaaring magsimula ito sa pagkalimot ng mga maliliit na detalye ng mga bagay tulad na lamang ng simpleng kaalaman sa mga bagay o tulad nalang ng paglimot sa mga special events sa buhay niya. Sa sitwasyong ito ay hindi nalalayong maapektuhan ang araw-araw na pamumuhay.
2. Hirap sa paggawa ng pamilyar na gawain
Kung ang isang gawain ay madalas nating ginagawa nakatatak na ito sa ating isipan. Madali na lamang na magawa ang mga bagay-bagay. Ngunit kung sa pakiramdam mo ay hirap ka na matapos ang isang gawain na alam mo namang paborito mo itong ginagawa sa trabaho, paaralan o sa iyong buhay ay maaaring sintomas na ito ng Alzheimer's. Dahil ang mga taong positibo sa karamdamang ito ay madalas na hirap na matapos ang araw-araw na gawain dahil nawawala agad ang kanilang focus.
3. Pagkalito sa araw at lugar
Kung may kakilala ka na ma edad na 50 pataas at madalas niyang nakakalimutan ang araw sa gabi o kaya naman ang petsa, maaaring isang senyales na ito na nagsisimula na ang kaniyang Alzheimer's Disease. May pagkakataon na makalimot tayo, subalit kung ito ay napapadalas lalo na kung may edad na ay hindi na ito maganda at maaaring sintomas na ito ng pagkalimot.
4. Nagkakaproblema sa pagkilala at paningin
Kung ang iyong lolo,lola o magulang ay madalas na hindi ka na makilala o madalas na nagrereklamo sa kanilang paningin, maaaring nagsisimula ng magkaroon ito ng Alzheimer's.
5. Hirap sa pagsunod sa usapan
Ang pagkakaroon ng Alzheimer's ay nakakaapekto sa paraan ng iyong pakikipagusap sa ibang tao. Nagdudulot ito ng hirap sa pagsunod sa usapan at paulit-ulit lamang ang sinasabi. Kung madalas mo itong makita sa iyong kakilala na may edad na, maaaring makaranas na siya ng sintomas ng Alzheimer's.
6. Pagbabago ng ugali at personalidad
Bukod sa mga nabanggit na senyales, hindi nalalayong maapektuhan din ang paguugali at personalidad ng isang taong nakakaranas ng ganitong kondisyon. Maaring makaranas ng pagkabalisa, depresyon, o madalas na pagkairita ang taong nakakaaramdam ng sintomas ng Alzheimer's.
Ilan lamang yan sa mga paunang senyales na posibleng makaranas ng Alzheimer's ang isang tao. Kung may kakilala ka na sa tingin mo ay posibleng mayroon siyang ganitong kondisyon, ipagbigay alam sa kaniyang kamag-anak upang mas mabantayan nila.
Comments
Post a Comment