Ano ang Hepatitis B?
Ang Hepatitis B ay isang karamdaman na sanhi ng Hepatitis B virus (HBV) sa dugo na umaatake sa atay ng taong mayroon nito. Ito ay maaaring maging banayad at mabilisang kondisyon na tumatagal lamang ang taong apektado niton ng ilang buwan.
Tinatalang 2 bilyong katao sa buong mundo ang nagtataglay ng HBV virus sa kanilang katawan, kaya naman kinokonsidera na ito ang pinaka-pangkaraniwang impeksyon sa atay.
Kadalasan, kayang labanan ng ating katawan ang Hepa B Virus kung saan tumatagal lamang ng isa hanggang apat na buwan ngunit may mga kaso na ito ay nananatiling nasa katawan ng tao kahit lampas na sa anim na buwan mula nang unang masuri ito ng doktor. Sa ganitong pagkakataon, ito ay maidedeklarang malubha at panghabang buhay nang kaso ng Hepatitis B. Ang mga taong mayroon nito ay maaaring makahawa ng iba at kapag ito ay hindi pinagtuunan ng pansin, pwedeng mauwi sa cirrhosis at k@nser sa atay.
Paano naipapasa ang Hepatitis B?
Ang kondisyon na ito ay kumakalat kapag ang dugo at ibang likido ng katawan (tulad ng semilya) na nagtataglay ng virus ay pumasok sa katawan ng tao na hindi apektado nito. Maaari ring maipasa ito mula sa ina sa kanyang bagong silang na sanggol.
Sa katunayan, ito ang pinaka-pangkaraniwang paraan nang pagkalat ng impeksyon sa mga bata na kung saan ay hindi pa kayang labanan ng kanilang katawan ang virus na ito kaya kadalasang nauuwi ito sa malubhang Hepatitis B.
Naipapasa ang Hepatitis B sa pamamagitan ng mga sumusunod:
-Paggamit ng maruming karayom na pang-ihiksiyon.
-Pakikipagtalik nang walang proteksyon
-Pakikigamit ng sipilyo (ang laway ay maaring magtaglay ng kahit kaunting dugo at ito sapat na upang makahawa)
-Pagkakadikit ng mga sugat ng taong wala at meron nito.
Ang karamdaman na ito ay hindi maaaring maipasa sa pamamagitan ng pagbahing sa iyo o simpleng pakikipagkamay sa taong mayroon nito. Ito rin ay hindi naipapasa ng isang ina sa pagpapasuso sa kaniyang sanggol.
Ano ang mga sintomas ng Hepatitis B?
Kadalasan, maraming tao ang hindi alam na sila ay nagtataglay na ng HBV sa kanilang katawan dahil wala silang makikitang senyales o mararamdaman na sintomas, kaya naman sinasabi ng ilan na ang s(a)kit na ito ay sadyang tahimik ngunit nakamamat@y. Ang payo ng mga doktor ay ugaliing magpatingin nang sa gayon ay malaman ng maaga kung tayo ay may karamdaman bago pa ito mauwi sa malubhang kalagayan. Ilan sa mga sintomas nito ay:
- Jaundice (Paninilaw ng balat at mga mata)
- Lagnat
- Kawalan ng gana
- Lubhang pagkapagod at panghihina
- Pananakit ng tiyan, kalamnan at mga kasu-kasuan
- Pamamaga ng tiyan at mga binti
- Biglaang pagbaba ng timbang
- Pangangati ng balat
- Pagsusuka at pagduruwal (na minsan ay may kasamang dugo)
- Matingkad o maitim na kulay ng ihi
- Mapusyaw na kulay ng dumi
Natural na panlunas sa Hepatitis B
Maraming naglalabasan na herbal at mga bitaminang maaaring inumin upang mapalakas ang ating resistensiya at mapanatili ang kalusugan ng ating atay, ngunit bago tayo maengganyo sa mga ito ay importanteng kumunsulta muna sa doktor kung ang mga ito ay ligtas bang inumin.
Gayunpaman, walang herbal na medisina ang makakapagpagaling sa taong mayroon Hepatitis B sa ngayon. Ngunit para makatulong sa pagkawala ng mga sintomas nito at upang hindi ito lumala, makabubuti kung:
- Iwasan ang pag-inom ng alak at paninigarily0 na maaaring makasama sa atay
- Kumain ng masusustansyang pagkain (ang prito at malalangis na pagkain ay di makabubuti para sa atay)
- Iwasan ang labis-labis na pag-e-ehersisyo
- Regular na pagpapatingin sa doktor
Comments
Post a Comment