Kinakailangan ng ating katawan ang bitamina kaya naman kung hindi sapat ang nakukuha mula sa mga pagkain ay makakatulong ang pag-inom ng mga vitamine capsule. Halos lahat ay umiinom nito araw-araw mula sa sanggol hanggang sa matanda. Wala naman masama kung umiinom ng bitamina. May ibang tao pa nga na hindi lamang iisa ang bitaminang iniinom dahil sa magandang layunin nito at iba't ibang maitutulong sa kalusugan.
Ngunit hindi lahat ng uri ng bitamina ay magkakatulad ang pamamaraan ng pagtanggap sa ating katawan. Ang pag-inom nito sa wastong oras ay isang importanteng factor para makuha ang bitamina nito.
Kaya ating alamin kung ano ang tamang oras ng pag-inom ng bitamina ayon sa kanilang layunin.
1. Vitamin A, D, E ,K
Ito ang mga bitamina na kilala bilang fat-soluble vitamins na kung saaan natutunaw ang mga ito sa katawan gamit ang ating taba. At kapag natunaw ito, dumadaloy ang mga ito sa ating dugo upang gawin ang kanilang layunin sa ating katawan. Samantala, ang sobra naman ay mapupunta sa atay.
Ang magandang oras na inumin ang uri ng bitamang nabanggit ay kasabay sa pagkain ng hapunan. Napakainam rin na isabay ang mga ito sa mga pagkaing naglalaman ng saturated fat o iba pang langis nang sa gayon maabsorb ito ng mabuti.
2. Vitamin B,C at folic acid
Natutunaw ang mga bitaminang ito sa pamamagitan ng tubig kaya tinatawag itong water-soluble vitamins. Kinukuha lamang ng ating katawan ang sapat na daming kailangan. Habang ang sobra ay inilalabas sa pamamagitan ng pag-ihi. Kaya naman sa kadahilanang walang naiiwan sa ating katawan kung hindi ang sapat na kailangan lamang ay nakabubuting uminom nito araw-araw. Ngunit ang pinakamabisang oras ng pag-inom sa mga bitaminang ito para mas matanggap ng katawan ay ang pagkagising sa umaga bago mag-almusal o kaya naman tatlumpung minuto bago kumain. Kung nakaligtaan ay maaari naman na inumin ito makalipas ng dalawang oras matapos kumain.
3. Iron
Ang paginom nito ay mas nakakabuti kung wala pang laman ang iyong tiyan. At huwag iinumin ito matapos uminom ng gatas dahil mahihirapan na tanggapin ng ating katawan ang iron. Mas makakabuti rin kung ito ay idadagdag sa pag-inom ng Vitamin C.
4. Vitamin para sa mga buntis
Ang pag-inom ng bitamina na para sa mga buntis ay maaaring inumin ng walang laman ang tiyan at bago matulog. Dahil kadalasan naglalaman ng calcium, iron at folic acid ang mga bitamina ng mga buntis o tinatawanag na prenatal vitamins. Minsan ang mga buntis ay nakakaranas ng pagkahilo at hirap sa pagdumi kung iniinom ang bitaminang ito matapos kumain kaya naman mas makabubuti kung bago kumain ay kailangan na itong inumin. Ngunit kung ito ay nakaligtaan na inumin, pwede rin itong inumin bago matulog.
Comments
Post a Comment