Ang alugbati ay isang uri ng gulay na kung saan makikita itong tumutubo kahit saang lugar dahil ito ay gumagapang at mabilis na tumubo. Kapansin-pansin rin ang luntiang dahon nito at kulay ubeng tangkay na madalas ihalo sa mga lutuin kasama ang iba pang uri ng mga gulay. Simple man kung tingnan ang gulay na ito ay mayroon itong taglay na masustansiya bitamina na mabisang panlaban o di kaya naman ay gamot sa iba’t ibang karamdaman kaya marami na ang umiinom ng katas nito.
Anong bahagi ng Alugbati ang masustansya?
-Ugat (kunin ang katas nito o ilaga at inumin ito)
-Dahon (Karaniwan din itong nilalaga at iniinom ang katas nito)
-Sanga (Dinidikdik ang sanga nito at inihahalo sa inumin o tsaa)
Ano ang pitong benepisyo na naidudulot ng Alugbati?
1. Mabisang pang-iwas sa sakit na k@nser
K(A)nser ang isa sa pinaka-kinakatakutang sakit sa ating lipunan dahil wala pang lunas ang na-iimbento para dito. Kaya naman mas mainam na kumain ng mga pagkaing mabisang pang-iawas sa sakit na kanser kagaya ng alugbati. Mayroon itong tinatawag na antioxidant na siyang tumutulong upang labanan ang mga free radicals na nagdudulot ng pamumuo ng mga tumor sa ating katawan.
2. Masustansiya para sa mga babaeng buntis
Maliban sa pagkakaroon ng bitamina at mineral na mabuti para sa ating katawan, ang alugbati ay mayroon ding folate. Ito ay makabubuti sa pagbuo ng utak at buong nervous system ng sanggol sa sinapupunan ng isang ina.
3. Maayos na tulog
Kung nahihirapan kang makatulog ng maayos, malaking tulong para sa iyo ang pagkain ng dahon ng alugbati. Ito ay mayroong magnesium at zinc na siyang tumutulong upang ma-relax ang iyong katawan hanggang sa makatulog ka ng mahimbing.
4. Pampalinaw ng mga mata
Ang alugbati ay mayaman sa bitaminang A na siyang importante upang mapanatiling malusog ang ating mga mata. Ang regular na pagkain nito ay mahalaga upang mas lalong luminaw ang ating mga mata at maiwasan ang paglabo nito.
5. Pampakinis ng balat
Ang dahon ng alugbati ay naglalaman ng masustansiyang tubig na siyang tumutulong upang mapanatiling makinis at malambot ang ating mga balat.
6. Iwas sa Anemia
Kakulangan sa bitaminang iron ang sanhi ng pagkakaroon ng sakit na anemia. Ito ay maiiwasan kung regular ang pagkain ng dahon ng alugbati dahil ito ay mayaman sa bitaminang iron. Sa katunayan, mayroon itong 15% ng iron sa bawat 100 grams ng dahon nito.
7. Pampalakas ng resistensiya
Ang alugbati ay mayaman sa bitamin C na siyang mahalaga upang mas lalong tumibay ang ating resistensiya at labanan ang mga pangkaraniwang sakit kagaya ng ubo at sipon.

Comments
Post a Comment