Skip to main content

Limang Benepisyong Taglay ng Sitaw at Bakit Ito Makakatulong sa mga may Heart Disease, High Kolesterol at Diabetes?




Karaniwan nating makikita sa mga lutong ulam ang sitaw at madalas natin itong balewalain dahil ang akala lamang natin ay isa lamang itong simpleng gulay. Subalit alam niyo ba na hindi dapat ismolin ang sitaw dahil mayroon pala itong kaakibat na benepisyo?


Ang sitaw o green beans ay kilala na punong-puno ng nutrients kung saan makakakuha ka rin ng sapat na vitamins at minerals na nakaka-reduce ng risk sa heart disease, colon c@ncer, diabetes at harmful radicals sa katawan. 



Ayon sa USDA National Nutrient Diabetes, ang mga sitaw ay mayroong mataas na fiber content kung saan nakakapagbigay ito ng protein sa ating katawan. Bukod pa rito ay napatunayan din nila na marami din itong benepisyo tulad na lamang ng mga sumusunod:


1. Pampatibay ng Buto 

Ang ating katawan ay nangangailangan ng Bitamina K para mabigay ang protina na kinakailangan ng ating buto upang makakuha ng calcium. Kinokontrol rin nito ang metabolismo sa ating buto upang maiwasan ang pagkawala ng minerals. Kaya naman sa paggana ng mga nito ay mapapabuti ang katibayan, kalakasan at katatagan ng mga buto sa ating katawan. 

2. Mapababa ang kolesterol 

Alam mo ba na mayaman sa nilalaman na fiber ang sitaw kaya naman isa ito sa magandang mapagkukunan ng high fiber content para sa mga gustong mapababa ang kolesterol

Para bumaba ang ating kolesterol, ang pagkain ng mga high fiber foods ang isa sa mga solusyon para bumaba ito. Kaya ang sitaw ay isa na sa mga pagkain na ito dahil punong-puno ito ng fiber na makakatulong para bumaba ang kolesterol at makakatulong din ito sa mga nakakaranas ng hirap sa pagdudumi.



3. Para sa Diabetes 

Ayon sa pagaaral ng mga dalubhasa, ang mataas na nilalamang fiber ng sitaw ay lubos na nakatutulong sa mga taong may diabetes at sa mga taong gustong makaiwas sa karamdamang ito dahil sa kaniyang taglay na nutrients ay kaya nitong pigilan ang pagtaas ng asukal sa ating dugo lalo na sa tuwing matapos kumain.

4. Reduce heart Disease



Isa sa importanteng parte ng organs sa katawan ay ang puso. Kung magkakaroon ito ng problema ay maaaring ikapahamak ng ating kalusugan. Kaya naman upang mapangalagaan ito ay mainam na kumain ng sitaw o kaya naman isama ito sa inyong pangaraw-araw na diyeta dahil sa taglay nitong fiber, antioxidants, bitamina, folic acid, magnesium at potasium ay lubos na nakatutulong upang maiawasan ang mga sanhi ng pagkaatake sa puso, stroke at high blood pressure.


5. Maiwasan ang impeksyon 

Maraming mga bitaminang taglay ang sitaw na siyang kailangan ng ating katawan. Ito rin ay sagana sa mapagkukunang nutrisyon upang maiwasan ang mga impeksyon sa katawan at kayang labanan ang mga iba pang karamdaman. Kaya naman kumain na ng sitaw o kaya naman isama sa inyong pangaraw-araw na diyeta nang sa gayon makuha ang mga benepisyong taglay nito. 

Comments

Popular posts from this blog

8 Filipino Celebrities Na Nagmamay-ari Ng Mga Luxury Cars!

Bukod sa pag-iinvest ng lupa, bahay, business, etc., karamihan sa ating mga Filipino celebrities ang nag-iinvest din sa mga sasakyan. Lalo na ang mga car enthusiasts na mahihilig sa mga sasakyan.  At dahil na rin sa kanilang hardwork at success sa showbiz, ilan sa mga celebrities na ito ang nagmamay-ari ng mga napakaganda at mamahaling luxury cars na ito. Narito at alamin kung sino-sino sila! 1. Anne Curtis - Audi A3 and Audi Q5 Dahil siya ang official ambassadress ng Audi brand dito sa Pilipinas, si Anne Curtis ay nagmamay-ari rin ng dalawang Audi cars, Audi Q5 at Audi A3. Ang mga luxury cars na ito ay mayroong starting price na higit P2M pataas. Ang kanyang Audi A3 ay tinagurian din "safest car" in the world. 2. Georgina Wilson - Jaguar F-TYPE Coupe' Bukod sa naging ambassadress ng Jaguar Phils. si Georgina Wilson ay binigyan pa siya ng libreng  Jaguar luxury car. Ayon sa isang interview niya, ang sabi niya, "I have a free Jaguar,

Huwag Munang Itatapon Ang Pinaghugasan Ng Bigas Dahil May Nakakamanghang Gamit Pa Ito

Bago tayo magsaing ng kanin ay tinitiyak nating malinis ito kaya natin ito hinuhugasan. Makakatulong kasi ito upang matanggal ang mga dumi, bukbok, at iba pang contaminants na maaaring makaapekto sa sinaing.  Ngunit aminado ang karamihan na matapos hugasan ang bigas ay atin lamang itinatapon ang tubig. Pero alam niyo ba na ang pinaghugasan ng bigas ay maaari pang paggamitan sa ibang paraan at napakarami pa nitong benepisyo? Narito at alamin ninyo. 1. Pwedeng gamiting panlinis ng mukha/ facial cleanser Ang tubig na pinaghugasan ng bigas ay nagtataglay ng bitamina at mineral na nakakatulong upang gawing malambot, makinis, at radiant looking ang balat. Gumamit lamang ng cotton pad at basain ito gamit ang pinaghugasan ng bigas. Imassage ito sa iyong mukha at iwanan upang matuyo.  2. Maibsan ang pangangati ng balat/ eczema Ang starch content ng pinaghugasang bigas ay nakakatulong upang maibsan ang pangangati ng balat o eczema. Magsawsaw lamang ng malinis n

Paraan Upang Malaman Kung Fresh o Luma Ang Nabiling Itlog At Kung Safe Pang Lutuin!

Kapag tayo ay bumibili ng itlog sa mga grocery stores o palengke, minsan ay hindi naman natin naluluto ito agad agad. Kaya ang gagawin ay ilalagay muna ito sa ref upang mas mapatagal ang 'freshness' nito.  Ngunit kung nakaligtaan kung ilang araw o linggo na itong nabili, alam mo ba kung paano ka makakasiguro na pwede mo pa itong iluto at kainin? Narito ang mga paraan kung paaano mache-check kung luma na o fresh pa ang itlog. 1. Sniff Test Sa pamamagitan ng sniff test o ang pag-amoy, malalaman kung ang itlog ay luma na. Ang nalumang itlog ay mayroong masangsang na amoy kahit hindi mo pa ito binubuksan. Kung wala naman itong amoy, ay maaari pa itong lutuin at kainin. Kung hindi ka pa rin sigurado, basagin ang itlog at amuyin ito kung mayroong masamang amoy. Dahil kung mayroon ay itapon na ito agad agad. 2. Itapat sa tenga at alugin Itapat ang itlog sa iyong tenga at alugin. Pakinggan kung mayroon itong tunog. Habang naluluma ang isang itl