Ang castor oil ay isang multipurpose vegetable na matagal ng ginagamit. Ito ay mayroong maraming gamit at benepisyo at kadalasan ito ay ginagamit sa iba't ibang medikasyon at produkto. Ngayon ay naging popular ang gamit nito bilang isang skin care at beauty care product.
Narito at alamin ang nakakamanghang gamit pa nito.
1. Pampakapal ng kilay at pampahaba ng pilik mata
Nakakatulong ang pag-apply ng castor oil sa kilay at pilik mata upang mas kumapal at humaba ang mga ito para mas maging mukhbang kaakit akit. Ang gagawin lamang ay i-dip ang cotton buds sa castor oil, at gawin itong pang-apply sa iyong kilay at pilik mata bago matulog sa gabi.
2. Pampahilom sa sugat
Ang pag-apply ng castor oil sa paligid ng sugat ay nakakatulong upang magkaroon ng moist environment ang balat na nakapaligid sa sugat na tumutulong para sa mabilis na paghilom nito. Iniistimulate nito ang tissue growth para magkaroon ng barrier na siyang magsisilbing proteksyon upang mabawasan ang pagkakaroon ng impeksy0n.
3. Para sa acne
Ang ricinoleic acid na matatagpuan sa castor oil ay nakaka-penetrate sa ating tissues na tumutulong upang maiwasan ang pagdami ng bakterya at virus na nagpaparami sa mga tigyawat at acne. Para gawin ito, kailangang linisin muna ng maligamgam na tubig ang mukha o i-steam ito. Makakatulong kasi ang paraan na ito upang mabuksan ang iyong mga pores at mailabas ang dumi sa mukha. Pagkatapos ay applyan ito ng castor oil habang minamasahe ng unti-unti.
4. Kulubot sa paligid ng mata
Ang castor oil ay benepisyal gamitin para maalagaan ang balat sa paligid ng mata. Nakakatulong itong maiwasan ang premature aging. Iapply ito paligid ng iyong mata sa gabi bago ka matulog.
5. Para sa dry na buhok
Tulad ng shea butter, ang castor oil ay nakakatulong magpaganda ng buhok. Maganda itong gamitin sa mga buhok na dry at frizzy dahil naibabalik nito ang natural na kintab ng buhok at pinapatatag pa ang hair roots para maiwasan ang pagkalagas ng buhok.
Comments
Post a Comment