Ang ating ngipin ay hindi habambuhay na magiging matibay. Kaya kahit na bata ka pa ay dapat ng alagaan ang iyong ngipin. Marami ang mga pagkakataong hindi natin ito binibigyan ng pansin lalo na't kung hindi naman ito sumasak!t, ngunit dapat ay huwag nating kakalimutan na dapat ay mine-maintain pa rin natin ang kalugusan ng ating mga ngipin.
Samantala, mayroong mga pagkain na nakakatulong sa pagpapatibay ng ngipin. At narito ang mga iyon:
1. Tubig
Ang ating laway ay nabubuo ng 99.5% ng tubig, at kapag natutuyo o dehydrated ang iyong bibig, nagiging malapot ang iyong laway na nakakasira sa ating ngipin. Ang tubig ay nakakatulong upang ma-neutralize ang ating bibig at malinisan sa ating mga kinakain.
2. Keso
Ang cheese o keso ay nagtataglay ng calcium na importante sa ating mga buto at pati na rin sa ngipin. Sa bawat oras na kumakain ka ng matatamis na pagkain, softdrinks at citrus fruits, nae-expose ang ating ngipin sa tooth decay. Ang pagkain ng keso pagkatapos kumain ay nakakatulong upang maiwasan ang pagbuo ng acid na nakakasira sa ating ngipin.
3. Carrots
Ang pagnguya ng carrots ay nakakatulong upang ma-massage ang iyong gilagid at isa itong natural cavity fighting na gulay. Mayroon itong vitamin A na importante sa pagpapatibay ng ngipin.
4. Green leafy vegetables
Hindi naman na nakakapagtaka kung bakit napaka-healthy talaga ng mga maberdeng gulay tulad ng spinach. Ito ay dahil punong-puno ito ng mga natural vitamins and minerals. Ang mga ito rin ay mayaman sa calcium, folic acid, at vitamin B na nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng problema sa ating gums.
5. Yogurt
Ang yogurt ay gawa sa gatas. At alam naman natin na ang gatas ay mayaman sa calcium na tiyak na maganda para sa pagpapatibay ng ngipin at buto. Ito rin ay mayroong probiotics o ang mga "good bacteria" na tumutulong upang malabanan ang mga bad bacteria na nakakapagdulot ng pagkasira ng ngipin.
Comments
Post a Comment