Skip to main content

Posts

Showing posts from October, 2019

Limang Mabilis Na Paraan Para Masolusyunan Ang Konstipasyon

Mayroon at mayroong punto sa ating buhay na makakaranas tayo ng konstipasyon o ang kahirapang mailabas ang ating dumi. At ito ay isang hindi napakakomportableng pakiramdam dahil ang pakiramdam mo ay napakabigat ng iyong katawan. Maaaring maraming dahilan kung bakit nararanasan natin ito, ngunit mayroon din namang agarang solusyon upang ito ay agad na maresolbahan. 
Narito at alamin ang mga mabilis na solusyon para sa konstipasyon!
1. Uminom ng maraming tubig
Isang dahilan kung bakit nahihirapan tayong ilabas ang ating dumi ay dahil sa kakulangan ng tubig sa katawan. Kapag ang iyong katawan ay walang sapat na tubig, ang iyong dumi ay nagiging dry at matigas na siyang nagdudulot ng konstipasyon. Kaya tiyakin na nakakainom ng sapat na tubig araw-araw.
2. Kumain ng pagkaing mayaman sa fiber
Kapag nakakaranas ka na ng konstipasyon, tiyak na kulang ka rin sa pagkaing mayaman sa fiber. Ang fiber kasi ay nakakatulong upang mapalambot at mabilis na mailabas ng iyong katawan ang iyong dumi. Ang …

Ito ang Ilang Benepisyo ng Pag-Inom ng Katas ng Tawa-Tawa Bukod sa Dengue



Ang halamang tawa-tawa, na may siyentipikong pangalan na Euphorbia Hirta, ay tubong India, Australia, Africa at iba pang mga bansa sa Asya at maging sa Estados Unidos. Ang pangalan na Asthma Plant/ Weed, Garden Spurge, Bara Dudhi ay ilan lamang sa mga tawag rito sa ibang lugar. Ito ay isang halaman na may maraming sanga mula ugat hanggang sa pinakatuktok; Gumagapang ito at umaabot nang hanggang sa taas na 50 cm. 

Ang mga sanga nito ay tila may maliliit na buhok at sadya itong madagta, ang mga dahon naman nito ay may hugis na medyo may pagka-oblong na may kaunting patulis sa dulo at ang mga ito ay tumutubong magkabilaan sa sanga. Mayroon rin itong mga maliliit na bulaklak na naghahalo sa kulay na violet at berde.


Karaniwan nang ginagamit ang mga sanga at dahon ng Tawa-tawa upang ilaga at inumin bilang tsa-a, ang mga ugat naman nito ay minsan ring ginagamit sa iba’t-ibang aplikasyon. 


Ilan sa mga sinasabing benepisyong maaari nating makuha mula rito ay ang mga sumusunod:
• Panlunas sa hika …

Paglalagas ng Buhok, Isang Indikasyon na Posibleng Mayroon Kayong Iron Deficieny Anemia



Ang iron ay isang importanteng mineral sa ating katawan na tumutulong sa ating mga selula sa dugo, na tinatawag na red blood cells (RBC), sa paghahatid ng oxygen sa iba’t-ibang parte ng ating katawan. 
Ang kakulangan ng iron sa ay magsasanhi ng kondisyon na tinatawag na iron deficiency anemia, kung saan hindi sapat ang bilang ng mga malulusog na RBC sa dugo, dahilan upang hindi nito magawa nang maayos ang trabaho nito. 



Ang iron rin ay may kontribusyon sa pagproseso ng enerhiya ng ating mga selula kaya naman nakakaramdam ang taong kulang rito ng sobrang pagkahapo at panghihina. Ito ang pinaka-pangkaraniwang uri ng anemia at ang ito ay dapat maitama o maagapan agad dahil maaari itong mauwi sa mga komplikasyon kapag binalewala ito.
Ilan pa sa mga senyales ng iron deficiency anemia ay ang mga sumusunod:
-pananamlay


-maputlang balat
-pananakit ng ulo
-pagkakaroon ng mga singaw sa loob ng bibig
-madalas na pangangapos ng hininga at iba pa

Hindi man madalas ay naiuugnay na rin ang PAGLALAGAS NG BUHO…

7 Mabisang Paraan Para Madaling Matanggal Ang Pagsinok

Ang pagsinok ay maaaring maranasan na lang basta basta. Ngunit minsan, ito ay nakakairita lalo na't kapag hindi ito agad natatanggal. Nangyayari ang pagsinok kapag ang iyong diaphragm ay inboluntaryong biglang nagcontract kasabay ng iyong voice box at ang iyong vocal folds ay nagsara. Sa paraang ito ay nababara ang flow ng hangin na siyang nagdudulot ng pagsinok.
Narito ang ilang mabisang paraan upang agad matanggal ang pagsinok. 
1. Huminga sa loob ng paper bag
Ang paraang ito ay pinapataas ang partial pressure ng carbon dioxide sa iyong dugo na nakakapagpa-contract ng malalim sa iyong diaphragm upang mas magkaroon ng oxygen. 
2. Takpan ang iyong tenga
Takpan ang iyong tenga ng ilang segundo hanggang mawala ang pagsinok. Sa paraang ito, nagsesend ng relax signal ang iyong katawan papunta sa iyong vagus nerve na konektado sa iyong diaphragm.
3. Sumipsip o uminom ng tubig 
Ang paraang ng paglunok ng tubig gamit ang straw ay nakakapagparelax sa mga nerves. Ngunit minsan, hindi ito aga…

Ito ang Ilang na Nagsasanhi ng Rayuma at Gout sa Tao, Hindi Po Dahil sa Pagkain ng Munggo



Ang rayuma ay isang karamdaman kung saan nakakaramdam ng pamamaga at pananakit ang mga kasu-kasuan sa katawan. Ang gout naman ay kabilang din na isang klase ng rayuma, ngunit ang pangunahing nagsasanhi nito ay ang mataas na lebel ng uric acid sa dugo. Maraming dahilan ang pwedeng magsanhi ng alin man sa dalawang ito ngunit isa ang pagkain sa karaniwang salarin.



Sa Pilipinas, maraming tao ang nagsasabi na ang pagkain ng munggo ay nagdudulot ng pag-atake ng rayuma at gout. Gayunman, pinabulaanan ng mga eksperto ang paniniwalang ito at ayon sa kanila, ang gout ay sanhi ng mataas na konsentrasyon ng uric acid sa dugo na siyang makukuha mula sa mga pagkaing mataas sa purine, at ang munggo ay hindi mataas rito kaya imposibleng ito mismo ang nagsasanhi ng pananakit ng mga kasu-kasuan. 

Ngunit kung hindi munggo, ano nga ba ang totoong nagdudulot ng mga karamdamang ito? Narito ang ilang sanhi ng gout at rayuma:
1. Ang mga pagkain na pangunahing nakakapag-palala sa rayuma ay ang iba’t-ibang karne …

10 Sintomas Ng Anemia At Kung Ano Ang Sanhi Ng Pagkakaroon Nito

Kapag ang isang tao ay nakikita mong maputla, ang unang papasok sa isip mo ay baka siya ay anemic. Ang anemia ay nangyayari kapag ang iyong katawan ay mayroong mababang lebel ng hemoglobin. Ang hemoglobin kasi ay isang protina sa ating dugo na responsable sa pagdala ng oxygen sa ating mga tissues.
Ang iron deficiency anemia ay ang pinakakilalang uri ng anemia na kung saan ang iyong katawan ay walang sapat na iron. Ang ang iron ay importante upang gumawa ang ating katawan ng hemoglobin. Kaya kapag walang sapat na iron sa ating dugo, lalabas na ang mga sintomas ng anemia. At narito ang mga ito.
1. Namumutla na balat
2. Matinding pagkahapo o pagkapagod
3. Madalas na pagkaranas ng pagsak!t ng ulo at pagkahilo lalo na kapag tatayo
4. Mabilis na tibok ng puso
5. Malamig na kamay at paa
6. Kinakapos ang paghinga
7. Marupok na mga kuko
8. Impeksy0n sa balat
9. Panghihina ng mga binti
10. Pananakit ng dibdib
Narito naman ang mga sanhi ng pagkakaroon ng Anemia:
1. Kakulangan sa pagkonsumo ng pag…

Kumain Ng Mais Upang Makuha Ang 5 Na Mahalagang Benepisyong Ito

Ang ating bansa ay mayaman sa tanim na mais. Kaya naman kahit anong buwan sa kalendaryo ay tiyak na makakakita ka ng nagtitinda ng mais sa palengke o sa mga sidewalk. Kadalasan, ang mais ay inilalaga lang upang makain ito o di kaya naman ay isinasama rin sa mga ulam tulad ng bulalo.
Bukod sa masarap at manamis-namis nitong lasa ay nagtataglay rin ito ng napakaraming benepisyo sa ating katawan. Kaya narito at alamin ninyo ang inyong nakukuha sa pagkain ng mais.
1. Mayaman ito sa fiber
Kung nakakaranas ka ng konstipasyon, subukang kumain ng mais dahil mayaman ito fiber. Ang isang mais ay nagtataglay ng moderate amount ng dietary fiber na kailangan ng ating katawan upang mapabilis ang paglalabas ng dumi. Nakakatulong rin ang pagkain ng mayaman sa fiber na pagkain upang mabilis kang mabusog na maaaring benepisyal kapag ikaw ay nagpapapayat.
2. Pang-iwas sa anemia
Ang mais ay mayroong taglay na iron na nakakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng anemia o iron deficiency sa katawan. Ang i…

Ito ang mga PANG-AASAR na Dapat IWASAN na Sinasabi ng mga Magulang sa Kanilang mga Anak



Ang pag-aasar ay nangangahulugan lamang ng isang bonding at paglalambing ng mga magulang sa kanilang mga anak. Sa ganitong paraan ay nagsisimula ang kasiyahan, katatawanan at komunikasyon ng mga magkakapamilya. Madalas positibo ang nagiging epekto nito ngunit hindi maiwasan na may maling pamamaraan ang pang-aasar na nagdudulot ng negatibong epekto sa inyong anak. 
Ano nga ba ang mga kailangang tigilan na pang-aasar sa inyong anak? At kailan nga ba ito dapat tigilan? Alamin natin ang mga ito. 
May mga usapin na ginagamit sa pangaasar sa iyong anak na hindi dapat dahil ang mga ito ay maaaring magdulot ng depresyon, pagkabalisa, mababang pagpapahalaga sa kanilang sarili at pagkagalit. Kaya naman maging sensitibo sa mga sasabihin sa iyong mga anak. 


Kung mapapansin na hindi na kumikibo ang iyong anak, nangingiyak na sa iyong pang-aasar o sobra na ang pag-aasar naman niya sa iyo ay dapat na itong tigilan at kausapin ng mabuti ang iyong anak at sabihin ang mga bagay na mali niyang nagawa. Upan…

Kakaibang Prutas na Tinatawag na Yantok, Mayaman sa Sustansiya at Vitamin Para sa Katawan



Ang bunga ng Rattan, na tinatawag na Yantok, Littuko o Alimuran sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas, ay isang prutas na may kakaibang anyo na sinasabi na na mayroong kaakibat na benepisyo at sustansya. Ang balat nito ay maihahalintulad sa mga kaliskis ng mga reptilya katulad nang sa ahas, kaya naman tinatawag rin itong Snake Fruit. 
Ang prutas na ito ay may kaasiman ang lasa at kasinlaki lamang ng lanzones. Sinasabing mayaman ito sa vitamin A, C, calcium, iron at iba pa kaya mainam ito sa kalusugan.


Ito ang benepisyo ng Yantok:


-Mayaman ito sa Vitamin C kung saan nakakatulong sa ating balat upang hindi agad ito kumulubot at nagpapatibay ng resistensya ng ating katawan laban sa mga mikrobyo na maaaring magdulot ng ating pagkakasakit. 

-Mayroon itong mataas na content ng Vitamin A na nakakatulong upang mapanatiling malinaw ang paningin ng ating mga mata

-Punong puno ito ng fiber na makakatulong makabawas ng timbang at tumutulong upang maging maayos ang takbo ng ating panunaw at maging regula…

5 Rason Kung Bakit Masustansya Ang Pagkain Ng Bulaklak Ng Kalabasa

Madalas sabihin ng mga matatanda na kumain ng kalabasa upang luminaw ang iyong mata. Ngunit hindi lamang pala ang bunga nito ang masustansyang kainin. Sa katunayan, ang bulaklak ng kalabasa o tinatawag rin na squash blossom sa Ingles ay mayaman rin sa bitamina.
Ang bulaklak ng kalabasa ay ginagawa ring ulam, minsan iginigisa, minsan isinasama sa ginataan, i di kaya ay hinahalo sa pinakbet. Narito at alamin kung bakit niyo rin dapat kainin ang bulaklak na ito dahil sa mga health benefits na taglay nito.
1. Panlaban sa sipon at ubo
Ang bulaklak ng kalabasa ay nagtataglay ng bitamina C na nakakatulong upang mapalakas ang ating immune system laban sa mga sak!t tulad ng ubo at sipon. Pinapaigting din nito ang mabilis na pag-absorb ng iron sa ating katawan nawa'y maging malakas ang resistensya natin laban sa impeksy0n at malabanan ang mga virus. 
2. Pampalinaw ng mata
Katulad ng bunga ng kalabasa, ang bulaklak nito ay nagtataglay rin ng bitamina A na nakakatulong upang luminaw ang mata. …

Para Makaiwas sa Gout, Narito ang ilang Sanhi Nito at Kung Paano Ito Maiiwasan



Ang gout ay ang isang klase ng kondisyon ng Arthritis na maaaring makaapekto kahit kanino. Nagdudulot ito ng matinding pananakit sa mga kasu-kasuan lalo na sa bandang paa at binti. Kaya importanteng malaman ang mga pangunahing nagsasanhi nito at ang mga dapat iwasan upang hindi magkaroon nito. 

Ano ang sanhi ng Gout?
1. Sobrang pagkain ng mga sumusunod: 


-Karne 
-Mga lamang loob tulad ng atay o intestine 
-Pagkaing-dagat tulad ng hipon, alimango, sardinas atbp. 
-Mga pagkaing gawa sa gatas 


2. Family History 
Kung ang mga magulang ay mayroon nito, mayroong 20 na porsyentong posibilidad nang pagkakaroon nito. 


3. Genetics 
Ang mga Briton at mga Amerikanong itim ay mas malaking ang tyansang magkaroon nito kaysa sa mga ibang lahi. 
4. Pagkakaroon ng Bisyo tulad ng paginom ng alak 
5. Menopause
Tumataas ang lebel ng uric acid sa katawan ng mga babaeng umabot na sa ganitong punto ng kanilang buhay. 
6. Mabigat na timbang 
Sa mga taong nais umiwas sa gout o sa mga taong mayroon na nito na gustong makaiwas…

Ganito Karaming Tasa ng Kape ang Maaari mo Lamang Inumin sa Isang Araw Dahil Pag Sumobra ay Ito ang Masamang Epekto Nito



Ang pag-inom ng kape ay nakasanayan nang gawin ng karamihan sa atin at ito ay parte na ng kanilang buhay sa araw-araw. Ngunit ilang tasa nga ba ng kape ang ligtas na ikunsumo ng isang tao sa loob ng isang araw?  Ayon sa mga pag-aaral, apat na tasang kape ang pinaka madami na pwedeng inumin nang hindi makakasama sa kalusugan. Mayroong higit kumulang na 100 mg ng caffeine sa isang tasa at ang ipinapayo ng mga eksperto ay 400 mg lang dapat ang kabuohang makukunsumo ng isang tao sa loob ng buong araw.
Ang caffeine ay ang numero unong sangkap sa kape na siya mismong nagbibigay ng kaunting lakas ng katawan sa atin kaya naman ito ay kinokonsiderang nakaka-adik. Hindi lamang ito makikita sa kape kundi maging sa tsaa, soft drinks, tsokolate, energy drinks at kahit sa ilang mga gamot.  Maliban dito, ang kape ay mayroon ring vitamin B, antioxidants, magnesium at potassium, at sa tulong ng mga ito ay sinasabing mas madali tayong makakaiwas sa iba’t-ibang kondisyon tulad ng Alzheimers disease, diabet…