Kapag ang isang tao ay nakikita mong maputla, ang unang papasok sa isip mo ay baka siya ay anemic. Ang anemia ay nangyayari kapag ang iyong katawan ay mayroong mababang lebel ng hemoglobin. Ang hemoglobin kasi ay isang protina sa ating dugo na responsable sa pagdala ng oxygen sa ating mga tissues.
Ang iron deficiency anemia ay ang pinakakilalang uri ng anemia na kung saan ang iyong katawan ay walang sapat na iron. Ang ang iron ay importante upang gumawa ang ating katawan ng hemoglobin. Kaya kapag walang sapat na iron sa ating dugo, lalabas na ang mga sintomas ng anemia. At narito ang mga ito.
1. Namumutla na balat
2. Matinding pagkahapo o pagkapagod
3. Madalas na pagkaranas ng pagsak!t ng ulo at pagkahilo lalo na kapag tatayo
4. Mabilis na tibok ng puso
5. Malamig na kamay at paa
6. Kinakapos ang paghinga
7. Marupok na mga kuko
8. Impeksy0n sa balat
9. Panghihina ng mga binti
10. Pananakit ng dibdib
Narito naman ang mga sanhi ng pagkakaroon ng Anemia:
1. Kakulangan sa pagkonsumo ng pagkaing mayaman sa iron
Ang kakulangan sa pagkain ng mga pagkaing mayaman sa iron ay makakapagpabagsak sa lebel ng iron sa iyong katawan. Ang mga pagkain tulad ng karne, itlog, at maberdeng gulay ay mayaman sa iron. Kaya naman importante na kumain ng mga ganitong uri ng pagkain.
2. Panganganak o pagreregla
Ang malakas na buwanang dalaw at panganganak ay isa sa mga sanhi ng pagkakaroon ng iron deficiency anemia dahil maraming amount ng dug0 ang nawawala sa katawan. Kaya naman upang mapalitan ang mga nawalang dug0 ay kumain ng mga pagkaing mayaman sa iron o uminom ng iron supplements na nireseta ng inyong doktor.
3. Pagdurug0 sa loob ng katawan
Mayroong mga kondisyong nakakapagdulot ng pagdurug0 sa loob ng ating katawan tulad na lamang ng ulcer sa tiyan o polyps sa bituka. At ang mga kondisyong ito ay agad dapat na maagapan dahil kapag nagkaroon ng pagdurug0 sa loob ng katawan ay mapanganib ito sa ating kalusugan.
Comments
Post a Comment