Skip to main content

5 Amazing Benefits Ng Chia Seeds Sa Ating Katawan


Nauuso ngayon sa mga online selling sites ang mga Chia Seeds. Ito ay parang mga maliliit na itim na buto na mula sa isang desert plant na Salvia hispanica, isang miyembro ng mint family. Kapag tuyo pa ang mga ito ay mas maliit pa sila sa butil ng bigas. Ngunit kapag ibinabad ito sa tubig o hinalo sa mga inumin ay nag-eexpand ang mga ito. 

Ngunit ano nga ba ang benepisyo ng mga ito at kung bakit matunog ang mga Chia Seeds sa panahon ngayon? Narito at alamin.

1. Mayaman sa fiber

Ang ating katawan ay kailangan ng fiber araw-araw upang mas mapadali ang paglabas ng ating dumi. At ang madaling paraan upang mapataas ang fiber intake ay ang pagkain ng mga pagkain tulad ng gulay, prutas, grains, at nuts. Pero ang 1 ounce lang ng chia seeds ay 10 gramo na ang taglay nitong fiber, higit na sa kalahati ng recommended fiber intake ng mga taong nasa 50 taong gulang pataas. 

2. Pampapayat

Kadalasang iniinom ng mga nais magpapayat ay lemon water na mayroong chia seeds. Nakakatulong kasi ito na mapanatili silang busog ng matagal at para hindi sila mapakain ng marami. Dahil mababa rin ang mga ito sa calories kaya nakakatulong ito sa pagbabawas ng timbang.

3. Panlaban sa konstipasyon

Isang dahilan kung bakit nakakaranas ng konstipasyon ay dahil sa kakulangan ng tubig at fiber sa katawan. At ang pagkonsumo ng chia seeds araw-araw ay makakatulong sa problemang ito at maiiwasan ang pagkakaroon ng implamasyon sa iyong colon o malaking bituka.

4. Magandang epekto sa kolesterol at presyon

Ang pagkonsumo ng mas maraming fiber ay nakakatulong sa pagpapababa ng presyon at kolesterol. Ayon sa mga pag-aaral ang dietary fiber ay mayroong magandang epekto sa immune system at implamasyon. Nakakatulong itong mabawasan ang mga kondisyon na tulad ng sak!t sa puso, dyabetis, at obesity.

5. Panlaban sa heart d!sease

Ang chia seeds ay magandang mapagkukuhnan ng omega-3 fatty acids at antioxidants. Sa paraang ito, nakakatulong ito upang malabanan ang mga heart d!sease at pinapababa ang tyansang magkaroon ng bara ang mga ugat sa katawan na nauuwi sa atake sa puso at str0ke.

Comments

  1. How many tablespoon of chia seeds in 1lier of water thmk you

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-