Isa sa mga popular na street foods dito sa Pilipinas ay ang chicken feet o mas kilala sa tawag na "adidas." Para sa ilan, iisipin nila na baka ito ay madumi lalo na't ang paa ng manok ay kung saan saan nakakatapak.
Pero kung tutuosin, ang chicken feet ay isa sa mga pinakamasustansyang parte ng manok. Narito at alamin ang mga health benefits nito!
1. Mayaman sa collagen
Ang collagen ay benepisyal sa pagmaintain sa malusog na balat at ginagawa itong elastic. Nakakatulong ito sa produksyon ng red blo0d cells sa katawan upang mas mapa mabilis ang cell turnover at madaling ma-renew ang mga cells sa katawan. At ang chicken feet ay nagtataglay ng maraming amount ng collagen.
2. Pinapabilis ang paghilom ng sugat o inury
Isa sa mga benepisyo ng pagkain ng chicken feet ay nakakatulong ito na makapagpahilom sa sugat o injury ng mabilis dahil sa taglay nitong protina at calcium. Ang dalawang nutrisyong ito kasi ay importante upang ma-regenerate ang mga nerves, muscles, at buto sa katawan.
3. Nagpapatibay ng buto
Ang parteng ito ng manok ay mayaman sa protein, calcium, cartilage at collagen na madaling maabsorb ng katawan. At ang mga nutrisyong ito ang kailangan ng ating mga buto upang hindi ito maging marupok at madaling mabali. Kaya mas maganda na habang bata pa lamang ay kumakain na kayo ng paa ng manok.
4. Pinapatibay ang mga kuko
Tulad ng sa buto, ito rin ay benepisyal sa ating kuko dahil sa taglay nitong collagen. Ang nilutong paa ng manok ay kadalasan na naglalabas ng isang likido o gel na nagtataglay ng gelatin na nakakatulong naman sa katawan upang maproseso ng mabuti ang calcium at maabsorb ito ng iyong kuko.
5. Pinapalakas ang resistensya
Bukod sa mga nasabing nutrients na matatagpuan sa chicken feet ay mayroon rin itong taglay na mga mineral tulad ng copper, magnesium, phosphorus at zinc na kailangan ng ating mga organs sa katawan upang maging malusog at malabanan ang mga uri ng sak!t. Kaya't naman ang pagkonsumo nito ay nakakatulong sa pagpapalakas ng resistensya.
Comments
Post a Comment