
Ang halaman na malunggay ay madali lamang makita dito sa Pilipinas. At kilala na ito sa buong mundo dahil sa mga health benefits nitong nakakamangha talaga. Ngunit kadalasan, ang binibigyan lang ng pokus ay ang dahon nito,
Ang malunggay ay mayroong mga bunga na pahaba na mayroong mga buto sa loob na parang hugis plantsa. Isinasama ang bunga ng malunggay sa mga lutuin at masarap itong kainin. Alamin ang mga benepisyong makukuha sa bunga ng malunggay.
1. Mayaman ito sa fiber
Kung problema mo ang konstipasyon o hirap sa pagtunaw ng pagkain, ang pagkain ng bunga ng malunggay ay makakatulong sa iyo. Dahil sa mataas na taglay nitong fiber, makakatulong ito sa maayos na paggalaw ng pagkain sa iyong digestive tract.
2. Pang-regulate ng blo0d sugar level
Ang mga buto sa loob ng bunga ng malunggay ay mayaman sa zinc na benepisyal upang maregulate ang iyong blo0d sugar. Nakakatulong rin ito upang maiwasan ang diabetes o mapalala ang karamdamang ito.
3. Maganda para sa mga anemic
Ang mga taong anemic o maputla ay nagkukulangan sa iron. At ito ay magandang mapagkukunan ng iron dahil mas mataas ang amount nito kaysa sa spinach. Dapat itong kainin ng mga taong may iron deficiency upang mas dumami ang iron sa kanilang katawan.
4. Pangiwas sa sak!t ng kasu-kasuan
Ang mga buto ng malunggay ay magandang supplement ng calcium at makakatulong ito sa mga taong nakakaranas ng pananak!t ng kanilang mga kasu-kasuan dahil binabawasan nito ang implamasyon sa katawan at pinapatibay ang mga buto.
5. Sagana sa antioxidants
Hindi nakakapagtaka kung bakit ginagawan na rin ng supplements ang malunggay, dahil sa dami ng taglay nitong bitamina, mineral at antioxidants na nakakatulong sa pagtanggal ng mga free radicals sa katawan na dulot ng oxidative stress.
Comments
Post a Comment