
Mayroong mga taong mainit ang kanilang katawan at mayroon din namang mga taong lamigin o mahina ang tolerance sa malamig. Minsan kahit simpleng hangin lang na mula sa electric fan ay madaling nalalamigan ang iba o di kaya ay mahilig silang magkumot kahit hindi naman ganoon kalamig. Pero ang pakiramdam nila ay ginaw na ginaw na sila.
Marami ang hindi nakakaalam kung bakit nila ito nararansan, ngunit narito ang mga natatagong dahilan tungkol dito.
1. Hindi gumagana ng mabuti ang iyong thyroid gland
Isang kondisyon na tinatawag nilang hypothyroidism ang dahilan kung bakit hindi nakakapagproduce ang iyong katawan ng hormone kaya nauuwi sa pagiging lamigin. Ang mga thyroid hormones ang nagreregulate kasi sa metabolismo at temperatura ng katawan. At kung kulang ang mga hormones na ito sa iyong katawan kaya mabilis kang lamigin.
2. Ikaw ay anemic
Ang anemia ay isa ring kondisyon na kung saan ang iyong katawan ay nagkukulangan ng red blood cells na nagpapakita ng sintomas na maputlang balat, mabilis na heart rate, pagkahapo, at pagkahilo. At kung ikaw ay kulang sa dugo, tiyak na malamig rin ang temperatura ng iyong katawan dahil ang dugo ang nagpapainit sa ating katawan.
3. Kulang ka sa tulog
Ang pagkakaroon ng sapat na tulog ay napakaimportante sa pagregulate ng ating body temperature. Kaya naman kapag madalas kang ginawin, alamin kung ikaw ba ay nagkukulangan sa tulog. At isa na ring factor sa pagkakaroon ng anemia ang pagpupuyat at kakulangan sa tulog.
4. Ikaw ay payat
Ang body fat sa katawan ang nagsisilbing insulator na nagta-trap ng init sa katawan. Kaya naman kung ikaw ay payat, mas kakaunti ang iyong body fat na ang ibig sabihin ay mas madali kang lamigin.
5. Mahina ang sirkulasyon ng iyong dugo
Pansinin kung madalas na lamigin ang iyong kamay at paa, maaaring ikaw ay mayroong blo0d vessel disorder na kung saan ang daloy ng dugo sa iyong mga kamay at paa ay mas kakaunti o mahina na siyang nakakapagdulot ng pagiging lamigin.
Iilan lamang ito sa mga posibleng rason kung bakit ka madalas na lamigin, at ang pagpapasuri sa doktor ay mahalaga upang matiyak talaga ang dahilan ng iyong kondisyon. Samantala, narito ang maaari mong gawin pansamantala.
1. Magsuot ng makapal na damit (jacket, longsleeves, pajama, medyas) lalong lalu na kung matutulog sa gabi.
2. Magkumot kapag matutulog upang mainitan ang iyong katawan at hindi tuluyang makapasok ang lamig sa katawan.
3. Uminom ng mga mainit na inumin tulad ng hot chocolate, kape, o tea.
Ako nararanasan ko yan konting hangin nangangatog nako sa lamig ulo hangang paa balot na balot ako ng kumot araw araw umaga gabe .sumasakit ulo ko kapag natatamaan ng hangin o nilalamig ako
ReplyDeleteSame tayo dito kc Vietnam 9dg Ang lamig
Delete