Tiyak na mayroong punto sa ating buhay na naranasan nating magkaroon ng migraine o ang biglaang matinding pagsak!t ng ulo. Ito ay isang hindi napakakomportableng pakiramdam dahil parang binibiyak ang ulo mo tuwing nararansan ito at ang gusto mo na lang ay agad na matanggal ito.
Mayroong mga gamot para sa migraine ngunit mayroon din namang mga pagkain na makakatulong upang malabanan at mawala ang sak!t mo sa ulo na ito. Narito at alamin.
1. Avocado
Bukod sa dami ng health benefits ng avocado, ito rin ay mayaman sa mga antioxidants tulad ng lutein at zeaxanthin na hindi lang makakapagpawala sa iyong migraine tuwing nararanasan mo ito kundi nakakatulong rin ito upang maiwasan na madalas na pagsak!t ng iyong ulo.
2. Kamote
Ang kamote ay isang pagkaing pampadiyeta dahil kahit na kakaunti lamang ang nakain mo nito ay agad kang nabubusog at saka kakaunti lang din ang kalorya nito. Ngunit bukod dito ay maganda rin itong pampakalma sa iyong sumasak!t na ulo dahil binabawasan nito ang pananakit dahil sa taglay nitong mga bitamina tulad ng vitamin C, vitamin b1 at potassium.
3. Pakwan
Kadalasan, ang dahilan ng pagsak!t ng ating ulo ay dahil tayo ay dehydrated o kulang sa tubig ang katawan. Kaya naman talagang importante ang paginom ng 8 na basong tubig araw-araw. Ang pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa tubig tulad ng pakwan, pipino, carrots at celery ay makakatulong upang maging hydrated ang ating katawan at matanggal ang migraine.
4. Yogurt
Ayon sa mga pag-aaral, ang yogurt ay mayroong riboflavin, isang parte ng vitamin B na epektibong panlaban sa migraine. Kaya naman kung madalas na sumasak!t ang iyong ulo dahil sa puyat, pagod, at stress ay isama ang yogurt sa iyong diet araw-araw.
5. Lemon juice
Ang lemon juice ay kilala sa dami nitong health benefits at sa taglay nitong mataas na amount na bitamina C ay nakakatulong ring itong malabanan ang migraine. Kaya kapag nararanasan ang matinding pagsak!t ng ulo, maghalo lamang ng lemon juice sa isang basong may tubig, magdagdag ng kaunting asin at inumin ito. Mabisang itong pangiwas sa implamasyon at mabilis na huhupa ang pananak!t ng iyong ulo.
Comments
Post a Comment