
Madalas sabihin ng mga matatanda na kumain ng kalabasa upang luminaw ang iyong mata. Ngunit hindi lamang pala ang bunga nito ang masustansyang kainin. Sa katunayan, ang bulaklak ng kalabasa o tinatawag rin na squash blossom sa Ingles ay mayaman rin sa bitamina.
Ang bulaklak ng kalabasa ay ginagawa ring ulam, minsan iginigisa, minsan isinasama sa ginataan, i di kaya ay hinahalo sa pinakbet. Narito at alamin kung bakit niyo rin dapat kainin ang bulaklak na ito dahil sa mga health benefits na taglay nito.
1. Panlaban sa sipon at ubo
Ang bulaklak ng kalabasa ay nagtataglay ng bitamina C na nakakatulong upang mapalakas ang ating immune system laban sa mga sak!t tulad ng ubo at sipon. Pinapaigting din nito ang mabilis na pag-absorb ng iron sa ating katawan nawa'y maging malakas ang resistensya natin laban sa impeksy0n at malabanan ang mga virus.
2. Pampalinaw ng mata
Katulad ng bunga ng kalabasa, ang bulaklak nito ay nagtataglay rin ng bitamina A na nakakatulong upang luminaw ang mata. Ang pagkonsumo nito ay nakakatulong rin upang maiwasan ang 'dry eyes' o ang panunuyo ng mata. Ang madalas na pagkain nito ay benepisyal upang maiwasan ang pagkakaroon ng katarata at macular degeneration na nararanasan habang tumatanda.
3. Pinapalakas ang resistensya ng katawan
Dahil nga sa mayaman ito sa bitamina at mineral, may kakayahan itong palakasin ang ating resistensya at sa paraang ito nalalaban ng katawan ang mga pathogens sa kapaligiran.
4. Pinapatibay ang mga buto at ngipin
Ang mga tangkay at bulaklak ng kalabasa ay nagtataglay ng calcium, phosphorus at iron na nakakatulong sa pagmaintain ng matibay na buto at ngipin. Ito rin ay benepisyal sa ating mga gilagid. Nakakatulong ito upang maiwasan ang bone loss o ang pagkawala ng mineral density sa ating mga buto na siyang nauuwi sa osteoporosis.
5. Pinoprotektahan ang ating puso
Ang phosporus naman na matatagpuan sa bulaklak ng kalabasa ay may magandang epekto sa ating puso. Ayon sa mga pagsusuri, pinoprotektahan nito ang ating puso laban sa mga sak!t.
Comments
Post a Comment