Ang facial steaming ay isang paraan na kung saan itinatapat ang mukha sa isang steam machine o di kaya ay sa isang palangganang may mainit na tubig. Ang usok o steam na mula sa tubig ay nakakatulong upang maimprove ang kondisyon ng balat.
Kaya naman narito ang iba pang benepisyo nito kung bakit mo ito dapat isali sa iyong beauty regimen.
1. Nakakalinis ng balat
Ang mainit na temperatura ng steam ay nakakatulong upang buksan ang iyong mga pores lalo na ang mga nakabara dahil sa dumi. Sa pamamagitan ng pag-steam ng mukha, lumalambot rin ang iyong mga blackheads at whiteheads upang mas madaling matanggal ang mga ito.
2. Pantanggal ng bakterya na nagdudulot ng tigyawat at acne
Kapag ang iyong pores ay bumukas, mas madaling matanggal ang mga d**d skin cells at mga bakterya na sumisiksik sa ating mukha na nagdudulot ng acne at pimples.
3. Pinapaganda ang sirkulasyon
Ang kombinasyon ng mainit na steam at paglabas ng pawis ay nakakatulong upang lumuwag ang iyong mga blo0d vessels at mas gumanda ang sirkulasyon ng dugo sa iyong mukha. Sa paraang ito, mas nagkakaroon ng natural at healthy glow ang ating mukha.
4. Nakaka-hydrate
Madalas dahil sa panahon, polusyon at paggamit ng iba't ibang mga facial products kaya nagda-dry ang ating balat sa mukha. At ang pagfe-facial steam ay nakakatulong upang ma-hydrate ang ating balat dahil pinapataas nito ang oil production na nakakatulong upang ma-moisturize ang ating mukha.
5. Tumutulong sa pagpromote ng collagen at elastin
Ang collagen at elastin ay dalawang nutrisyon na kailangan ng ating balat upang mas maging firm at mas mukha itong bata. Ito rin ay nakakatulong sa pag-iwas ng kulubot sa mukha. At isa ito sa mga benepisyong makukuha sa facial steaming.
6. Nakaka-refresh
Ang mainit na temperatura ng steam ay nakakatulong rin upang marelax ang iyong balat sa mukha lalo na't kapag sinamahan ito ng mga relaxing na essential oils.
Comments
Post a Comment