Sa init ng panahon, normal na lang talaga na tayo ay pagpawisan. At ito ay paraan ng ating katawan upang mailabas ang init nito. Ngunit ang matinding pagpapawis ay maaaring magdulot rin ng masangsang na amoy sa katawan.
Kaya narito ang mga natatagong dahilan kung bakit ka pinagpapawisan ng malala.
1. Hyperactive Thyroid
Ang kondisyon na ito ay ibig sabihin na ang iyong thyroid ay naging overactive at nagpo-produce ng mas maraming metabolic hormones na higit sa normal. At kapag nangyari ito, bumibilis ang iyong metabolismo na siyang nakakapagdulot ng matinding pagpapawis.
2. Dahil sa ilang mga pagkain
Mayroong mga pagkaing tulad ng maanghang na pagkain, kape at alc0hol na nakakapagdulot sobrang pagpapawis dahil mayroong itong thermogenic effeect sa katawan. Kaya kung ayaw ayaw mong maranasan ang sobrang pagpapawis, umiwas sa mga ganitong uri ng pagkain.
3. Heart attack
Isa sa mga maagang sintomas ng atake sa puso o heart attack ay ang matinding pagpapawis ng malamig. Kaya kapag mayroong itong kasamang pananak!t ng dibdib, pagkahilo, o pananak!t sa kaliwang bahagi ng katawan, posibleng nakakaranas ka ng atake sa puso.
4. Dyabetis
Ang isang taong mayroong dyabetis ay maaaring makaranas ng matinding pagpapawis dahil siya ay mayroong mababang blo0d sugar, mayroong damage sa nervous system na dulot ng dyabetis, o di kaya ay neuropathy na nakakapagpa-istimulate ng iyong mga sweat glands.
5. Pagkabalisa / anxiety
Isang natural na response ng katawan ang pagpapawis kapag tayo ay nakakaranas ng stress o anxiety. Nati-trigger kasi ang ating katawan kapag tayo ay nakakaranas ng ganitong mga sitwasyon kaya mas naglalabas ang ating katawan ng pawis.
6. Pagbabago ng mga hormones
Ang pagbabago ng hormonal levels na nararanasan kapag ikaw ay buntis, nagreregla, o men0pause ay maaaring makapagdulot rin ng matinding pagpapawis. Ito ay dahil kadalasan ang mga kondisyong ito ay kaakibat ng pagtaas rin ng temperatura ng katawan na siyang nakakapagdulot ng excessive sweating.
Comments
Post a Comment