Skip to main content

6 Na Rason Kung Bakit Healthy Ang Pagkain Ng Tofu At Pwedeng Kapalit Ng Karne



Sinasabi na ang tofu ay isang napaka-healthy na pagkain dahil ito ay gawa sa soybeans. Ito ay magandang mapagkukunan ng protina at nagtataglay ito ng siyam na esensyal na amino acids. Mayroong rin itong iron, calcium, phosphorus, manganese, copper, zinc, magnesium at vitamin B1.

Ang maganda pa sa pagkaing ito ay maaari itong ipangpalit sa karne at mas healthy pa at hindi nakakataba. Kaya naman alamin ninyo ang benepisyong hatid nito.

1. Pang-iwas sa pagtaba at obesity

Ang sobrang katabaan o obesity ay maaari mauwi sa iba't ibang kondisyon tulad ng sak!t sa puso, mataas na presyon, oste0arthritis at kung anu-ano pa. Ang tofu ay mababa lamang ang taglay na calories at fats kaya naman tiyak na hindi ka tataba kapag ito ang iyong kinain. Ang peptins rin na taglay nito ay nakakatulong sa pagsunog ng mga fat molecules sa katawan.

2. Pinapabagal ang maagang pagtanda ng balat/ skin aging

Ang mga amino acids sa tofu ay nakakatulong upang mapanatili ang malambot at supple na balat. Nakakatulong ito upang mabawasan ang paglitaw ng mga fine lines at wrinkles. Isa itong superfood para sa balat dahil pinapabagal nito ang skin aging o ang maagang pagtanda ng balat.

3. Nagpapatibay ng mga buto

Dahil sa taglay nitong calcium at magnesium, ang pagkain ng tofu ng regular ay makakatulong upang maiwasan ang osteoporosis, isang kondisyon na kung saan ang mga buto ay nagiging marupok. Sa pagkain ng tofu, makakatulong ito upang mapatibay at mapatatag ang mga buto lalo na sa mga babaeng dumadaan na sa kanilang men0pausal stage.

4. Binabawasan ang tyansa sa pagkakaroon ng sak!t sa puso

Ayon sa mga eksperto, ang tofu ay isa sa mga pagkain na nakakatulong magpababa sa iyo ng tiyansa na magkaroon ng heart d!sease. Dahil may kakayahan itong mapababa ang mga lebel ng low-density lipoprotein o mas kilala bilang mga "bad cholesterol" na siyang nakakapagbara sa mga ugat na nagdudulot ng mataas na presyon at mga iba't ibang sak!t sa puso.

5. Nakakatulong magpaganda ng buhok

Ang mataas na amino acids na matatagpuan sa tofu ay benepisyal sa ating buhok. Dahil ang ating buhok ay gawa sa protein, ang pagkonsumo ng mga pagkaing mayaman sa protein ay nakakatulong upang mapanatili ang matibay at makintab na mga hibla nito.

6. Binabawasan ang mga sintomas ng men0pause

Kapag tumatanda na ang babae ay dadaan siya sa men0pausal stage na kung saan makakaranas ng mga sintomas tulad ng hot flashes at oste0arthritis. At ang tofu ay isang pagkain na makakatulong upang ito ay maiwasan. 

Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-