May mga pagkakataon na basta na lang tayo nagkakaroon ng pasa o bugb0g sa katawan nang hindi natin nalalaman kung bakit tayo nagkaroon ng ganito. Sa mga kababaihan, tuwing malapit na silang datnan nang kanilang regla ay makikita na madali silang magkaroon ng pasa.
Ngunit ano nga ba ang mga posibleng dahilan kung bakit tayo nagkakaroon ng pasa? Narito at alamin ninyo.
1. Pagbabago sa hormones
Ang hormonal imbalance o ang pagbabago sa ating mga hormones ay ang kadalasang rason kung bakit na lang lumilitaw ang mga pasa sa katawan. Lumalabas ang mga ito kapag ang katawan ay mayroong mababang estrogen levels kaya humihina ang mga blo0d vessels at ang mga walls ng mga capillaries ay madaling ma-damage.
2. Kakulangan ng bitamina sa diyeta
Ang bitamina b12 ay isang importanteng bitamina para sa produksyon ng dug0. Ang bitamina K ay kailangan naman para sa coagulation. At ang vitamina C ay kailangan para sa paggawa ng bagong tissues. Kapag kulang ka sa mga bitaminang ito, ang iyong mga blo0d vessels ay nagiging marupok na siyang nagdudulot ng pasa.
3. Nagbubuhat ka ng mabibigat/ weight lifting
Ang pagbubuhat ng mga mabibigat na bagay o paggawa ng mabibigat na exercises tulad ng weight lifting ay nagdudulot ng damage o strain sa ating mga capillaries. Nagiging mahina ang mga ugat sa katawan kaya ang resulta ay paglitaw ng mga bugb0g o pasa.
4. Paginom ng medikasyon
Mayroong mga medikasyon na nakakaimpluwensya sa dug0 na maaaring makapagdulot ng pagkapasa. Kadalasan ang mga gamot na ito ay ang mga gamot laban sa depresy0n, gamot laban implamasyon, anti-asthmatic na gamot, mga gamot na mayroong iron at aspirin.
5. Problema sa dugo
Mayroong mga iilang problemang pangkalusugan na nakakapagdulot ng madaling pag-pasa ng katawan. At isa na rito ay kapag ikaw ay mayroong problema sa dug0 tulad ng leuk3m!a at hem0phil!ia dahil nagkakaroon ng problema ang dugo para mag-clot.
6. Aging o pagtanda
Kapag nagkakaedad tayo, ang mga capillaries at ugat rin natin ay humihina. Nawawalan ng elasticity ang ating mga tissues at ang ating mga muscles sa katawan ay humihina. Kaya mapapansin na lamang na nagkakaroon ng mga maliliit na pasa na kadalasan lumilitaw sa mga binti.
Comments
Post a Comment