Skip to main content

7 Mabisang Paraan Para Madaling Matanggal Ang Pagsinok


Ang pagsinok ay maaaring maranasan na lang basta basta. Ngunit minsan, ito ay nakakairita lalo na't kapag hindi ito agad natatanggal. Nangyayari ang pagsinok kapag ang iyong diaphragm ay inboluntaryong biglang nagcontract kasabay ng iyong voice box at ang iyong vocal folds ay nagsara. Sa paraang ito ay nababara ang flow ng hangin na siyang nagdudulot ng pagsinok.

Narito ang ilang mabisang paraan upang agad matanggal ang pagsinok. 

1. Huminga sa loob ng paper bag

Ang paraang ito ay pinapataas ang partial pressure ng carbon dioxide sa iyong dugo na nakakapagpa-contract ng malalim sa iyong diaphragm upang mas magkaroon ng oxygen. 

2. Takpan ang iyong tenga

Takpan ang iyong tenga ng ilang segundo hanggang mawala ang pagsinok. Sa paraang ito, nagsesend ng relax signal ang iyong katawan papunta sa iyong vagus nerve na konektado sa iyong diaphragm.

3. Sumipsip o uminom ng tubig 

Ang paraang ng paglunok ng tubig gamit ang straw ay nakakapagparelax sa mga nerves. Ngunit minsan, hindi ito agad-agad umeepekto, kaya kailangan lang ng kaunting pasensya.

4. Ilabas ang iyong dila

Sa paraan ng pagdila, naiistimulate ang iyong mga nerves at muscles sa iyong lalamunan. 

5. Mag-inhale ng mabilis at mag-exhale ng mabagal

Upang magawa ang teknik na ito, kailangan mong huminga ng malamim. Ngayon, dahan-dahang irelease ang hangin. Ulitin ang teknik hanggang tumigil ang iyong pagsinok.

6. Yakapin ang iyong mga tuhod

Umupo sa komportable posisyon, ngayon ay dalhin ang iyong mga tuhod malapit sa iyong mga dibdib. Hawakan ang posisyong ito sa loob ng 2 minuto. Sa paraang iyong nacocompress ang iyong diaphragm upang mapatigil ang pagsinok.

7. Magmumog ng malamig na tubig

Mag-gargle ng malamig na tubig sa loob ng 30 segundo. Nakakatulong ang paraang ito upang magsara ang glottis na siyang nagdudulot ng iyong pagsinok.

Ang pagsinok ay hindi naman isang malalang kondisyon at lahat tayo ay nakakaranas nito. Ngunit kapag ang pagsinok ay tumagal at hindi na pangkaraniwan, mas magandang ipakonsulta sa iyong doktor upang malaman ang rason tungkol rito.

Comments

  1. Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
    mayocareclinic@gmail.com
    Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
    Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-