Ganito Karaming Tasa ng Kape ang Maaari mo Lamang Inumin sa Isang Araw Dahil Pag Sumobra ay Ito ang Masamang Epekto Nito
Ang pag-inom ng kape ay nakasanayan nang gawin ng karamihan sa atin at ito ay parte na ng kanilang buhay sa araw-araw. Ngunit ilang tasa nga ba ng kape ang ligtas na ikunsumo ng isang tao sa loob ng isang araw?
Ayon sa mga pag-aaral, apat na tasang kape ang pinaka madami na pwedeng inumin nang hindi makakasama sa kalusugan. Mayroong higit kumulang na 100 mg ng caffeine sa isang tasa at ang ipinapayo ng mga eksperto ay 400 mg lang dapat ang kabuohang makukunsumo ng isang tao sa loob ng buong araw.
Ang caffeine ay ang numero unong sangkap sa kape na siya mismong nagbibigay ng kaunting lakas ng katawan sa atin kaya naman ito ay kinokonsiderang nakaka-adik. Hindi lamang ito makikita sa kape kundi maging sa tsaa, soft drinks, tsokolate, energy drinks at kahit sa ilang mga gamot.
Maliban dito, ang kape ay mayroon ring vitamin B, antioxidants, magnesium at potassium, at sa tulong ng mga ito ay sinasabing mas madali tayong makakaiwas sa iba’t-ibang kondisyon tulad ng Alzheimers disease, diabetes (type 2), Parkinson’s disease, depreson, k(a)nser at iba pang s(a)kit sa atay kapag uminom tayo nito.
Sa kabilang dako naman ay kapag sobra-sobra ang pagkunsumo rito, pwede itong magsanhi ng mga sintomas tulad ng mga sumusunod:
- Pagkahilo
- Pagka-aligaga o hindi mapakali
- Pagsakit ng sikmura
- Hirap makatulog
- Mabilis na tibok ng puso
- Anxiety
- Panginginig ng katawan
Ang epekto ng caffeine sa mga tao ay hindi pare-pareho at magdedepende kung gaano tayo kasensitibo rito. Iyan ang dahilan kaya may mga taong hindi tinatamaan ng antok pagkatapos humigop ng kape at ang iba naman ay walang kahirap-hirap matulog kahit pa kakatapos lamang uminom nito.
Ang mga taong may karamdaman naman tulad ng s(a)kit sa puso, diabetes at altapresyon ay karaniwan ring mababa ang tolerance rito kaya sila ay pinapayuhang maghinay-hinay sa paginom ng kape upang hindi ito makasama sa kanila.
Nililimitahan naman ang pag-inom ng kape sa mga babaeng nagdadalang tao dahil may mga pag-aaral na nagsasabing ito ay maaaring makasama sa bata.
Ang mga ito ang dahilan kaya karamihan sa mga doktor ay lubos na pinagbabawal ang kape sa mga buntis.
Para naman sa mga taong normal at hindi maselan ang kalagayan, ang apat na tasa ng kape ay pag-eestima lamang ng mga eksperto at kahit na ito ay may mga mabubuting naidudulot sa katawan, hindi naman kinakailangang uminom nito ang isang tao.
Comments
Post a Comment