Ang bunga ng papaya ay isa sa mga pagkain na tinaguriang “superfood” dahil nagtataglay ito ng maraming bitamina at sustansya na mainam para sa kalusugan ng ating katawan. Mayaman ito sa anti-oxidants at nagtataglay ng carotenes, vitamin B at C, flavonoids, calcium, fiber at magnesium. Karaniwan ay ang laman ng bunga lamang ang nakukunsumo natin at ang mga buto, kung hindi itatanim, ay itinatapon lang sa basurahan. Ngunit mayroon pala tayong pwedeng makuha mula sa mga ito kaya hindi ito dapat itinatapon, narito ang ilan sa mga dahilan:
- Pangontra sa bacteria at virus
- Ito ay may anti-bacterial na epekto sa katawan kaya maigi ito lalo na sa sikmura. Ang kakaunting dinurog na buto ng papaya ay sapat na upang mapigilan ang pagdami ng bacteria sa tiyan at maiwasan ang impeksyon na maaaring idulot ng mga ito. Ang pagkunsumo rito tatlong beses sa isang araw ay makakatulong panlaban sa E.coli, Salmonella, Staphylococcus at iba pa.
- Pampatibay ng mga buto
- Mayaman ito sa calcium at protina kaya naman maigi ito upang mapanatiling matibay ang mga buto, ngipin at muscles natin sa katawan.
- Pangontra sa K(a)nser
- Mayaman ito sa anti-oxidants na siyang lumalaban sa mga tinatawag na free radicals, na kalaunan ay pwedeng magsanhi ng k(a)nser, kaya maganda ito para maiwasan ang pagkakaroon ng matinding karamdaman na ito.
- Proteksyon sa kidneys
- Ang mga buto ng papaya ay may katangian na nag-aalis ng mga lason sa sistema ng ating katawan, kaya maganda ito para sa kidneys dahil mapapanatili ang kalusugan nito.
- Panlunas sa liver cirrhosis
- May mga pag-aaral na nagsasabing ang pagkunsumo ng pinulbong buto ng papaya ay makakatulong upang magamot ang liver cirrhosis pati na ang pag-alis sa mga toxins natin sa buong katawan.
- Maghalo lamang ng ¼ kutsarita ng powdered na buto ng papaya sa isang baso ng tubig at lagyan ng isang kutsarang katas ng lemon o lime. Inumin ito dalawang beses sa isang araw at kung walang makita na powdered nito ay pwedeng magdikdik ng sariwang buto ng papaya upang magamit.
- Pangontra sa dysmenorrhea
- Pwedeng gamitin ang mga buto ng papaya pati na ang mga dahon nito para mabawasan ang sakit na dala ng buwanang dalaw. Maaari itong gawing tsa-a at lagyan ng honey pagkatapos ay palamigin saka inumin.
Paano kainin ang Papaya Seeds?
1. Kumuha ng isang kutsaritang papaya seeds at pwede mo itong ikonsumo at kainin ng diretso. Tandaan lamang na kailangan itong nguyain ng mabuti dahil maaaring bumara ito sa inyong sistema.
2. Maaari mo itong ilagay sa oven, pagkatapos ay antayin itong mag-dry ng ilang araw at saka mo ito dikdikin ng pinong pino at maaari mo itong ihalo sa iyong lutuin.
3. Maaari mo rin ihalo ang dalawang kutsaritang papaya seeds sa iyong Papaya shake. Tandaan lamang na maaaring maging mapait ang lasa ng shake kaya mainam na dagdagan ito ng pampatamis.
Comments
Post a Comment