Skip to main content

Huwag po Matakot sa Bakuna! Ito ang Ilang Bakuna na Kailangan ng Bawat Bata Upang Hindi Makaiwas sa Malalang Kondisyon




Kamakailan lamang ay napabalita na ang Pilipinas ay mayroon nanamang ilang kaso na apektado ng poliovirus sa ating bansa matapos tayong maging polio-free ng ilang taon.

Ang polio ay isang s(a)kit na matagal nang nasolusyunan ng ating bansa ng ilang taon na ang nakalilipas sa pamamagitan ng bakuna. Ngunit nagkaroon nanaman ng ilang cases  ng kondisyon na ito dahil sa desisyon ng ilang mga magulang na hindi paturukan ang kanilang mga anak ng bakuna. Ito ay nakaka-alarma dahil maliban sa polio, marami pang mga karamdaman ang nagbabadyang bumalik dahil sa maling impormasyong kumakalat na ang pagpapa-bakuna raw ay nagbibigay ng masamang epekto sa katawan ng tao.


Subalit hindi alam ng ilan na ang pagbabakuna ay hindi naman nakakasama sa isang tao dahil nakakatulong itong maiwasan ang ilang kondisyon. Kaya upang sa inyong kaalaman, ibabahagi namin sa inyo kung ano nga bang mga bakuna ang kinakailangan para sa mga bata.

Narito ang siyam na Vaccines o Bakuna na safe at kailangan para sa mga bata at matanda:



1. Hepatitis B


Ito ay s(a)kit na sanhi ng isang virus na magreresulta nang pagkasira ng atay ng taong mayroon nito. Naipapasa ito sa pamamagitan ng pakikipagt@lik, paghiram ng mga personal na gamit tulad ng pang-ahit at sipilyo, paggamit ng maruming karayom at iba pa. Madalas rin itong maipasa ng mga ina sa kanilang bagong silang na sanggol at dahil ito ay walang lunas, binabakunahan na ang mga ito bago pa man sila makalabas ng ospital upang hindi makahawa ng Hepa sa ilan.

2. Mumps Vaccine


Ito ay sanhi ng isang virus at kilala ito sa tawag na Beke sa tagalog. Naaapektuhan nito ang mga glandulang matatagpuan banda sa tenga na siyang responsable sa paggawa ng ating laway. Magreresulta ito nang pamamaga at pananakit ng mga parte kung nasaan ang mga ito lalo na sa bandang panga at tega. Maaari itong makahawa sa pamamagitan nang pag-ubo kaya naman bata pa lamang ay binabakunahan na ng Mumps Vaccine dahil kapag nagkaroon ng Mumps ang isang bata sa puberty age, posible itong maging infertile o hindi makabuo ng baby sa future.

3. Polio Vaccine

Ito ang isa sa mga pinaka-malalang karamdaman na dumapo sa sangkatauhan dahil ang mga taong nagkaroon nito noon ay nauuwi sa pagka-lumpo o pagka-paralisado. Naaapektuhan nito ang utak at gulugod na siyang nagsasanhi nang pagkalumpo at pagkaka-paralisa ng katawan pati na ang baga kaya nahihirapan rin silang makahinga kalaunan. Wala itong lunas at nasolusyunan lamang sa pamamagitan ng pagpapabakuna kaya isa ito sa importanteng bakuna na kailangan ng lahat.

4. Chickenpox

Ito ang kondisyon kung saan nagkakaroon ng mga makakating pantal sa balat na may likido sa loob sa buong katawan. Kilala ito sa tawag na bulutong sa tagalog. Madaling mahawa ang mga taong hindi pa nagkaroon nito at ang mga walang bakuna pangontra rito. Naipapasa ito sa pamamagitan lamang nang pagkakadikit ng balat sa taong mayroon nito.



5. Measles Vaccine


Isa itong s(a)kit na madaling kumalat sa simpleng pag-ubo, pag-singa, pagkamot ng mga mata at paghawak sa mga bagay sa paligid ng mga taong mayroon nito. Tinatawag rin itong tigdas dito sa ating bansa at ito ay nakamam(a)tay lalo na sa mga bata. Mapapansin ang napakaraming pantal sa buong katawan ng mga taong apektado nito.

6. Mga impeksyong sanhi ng bacteria na streptococcus pneumoniae

Maraming klase ng bacteria ang masama sa kalusugan at ilan sa mga s(a)kit na maaaring makuha rito ay ang pulmonya, impeksyon sa dugo at tenga, at meningitis. Kadalasan itong kumakalat dahil sa hindi regular na paghuhugas ng mga kamay. Ang bakuna para rito ay karaniwang pangontra sa iba’t-ibang klase ng bacteria na ito kaya mahalagang hindi ito kaligtaan.


7. Rotavirus

Ito ang pinakamalimit na nagsasanhi nang pagtatae sa mga bata sa iba’t-ibang parte ng mundo. Mapanganib ito at maaaring mauwi sa pagkam(a)tay. Pwede itong kumalat sa pamamagitan nang hindi paghuhugas ng mga kamay pagkatapos magpalit ng lampin o diaper ng mga sanggol. Dahil rito, lahat ng mahahawakang gamit maski pagkain ay magiging kontaminado. Ang Pilipinas ang unang bansa sa timog-silangan ng Asya na nagsimulang gumamit ng bakuna para ito. 

8. Pertussis

Ito ay isang karamdaman na sanhi ng bacteria na kumakapit sa maliliit na buhok sa loob ng ilong at naglalabas ng mga lason na magreresulta nang pamamaga rito, kaya naman nahihirapan huminga ang mga taong mayroon nito. Makakaranas rin ng mahalak na pag-ubo na masakit sa bandang dibdib. Nauuwi sa kamatayan ang mga sanggol na masyado pang maliit upang mabigyan ng bakuna pati na ang mga batang hindi nakumpleto ang bakuna para rito.

9. Influenza


Ito ay mas sikat sa pinaikling tawag na flu o trangkaso sa tagalog. Isa itong s(a)kit na nagpapahirap sa paghinga ng mga taong nakakuha nito at may posibilidad na mauwi sa pulmonya, impeksyon sa tainga at iba’t-ibang implamasyon sa puso, utak at iba pa. May tatlo itong klase: A, B at C. Ang Infuenza A at B ay ang karaniwang nagiging epedemya sa iba’t-ibang bansa kada taon at madalas magsanhi nang pagkaka-ospital o kaya’y kamatayan kapag lumala. Ang influenza C naman ay mas banayad kaysa sa ibang mga klase nito. Iba-iba ang bakuna rito at madalas ginagawa kada taon dahil nagbabago ang mga katangian at uri ng virus na ito.


Comments

Popular posts from this blog

Dahilan Ng Pagkakaroon Ng Bukol Sa Likod Ng Tenga At Bakit Dapat Mo Itong Ikabahala!

Nakakapangamba ang tubuan ng bukol sa katawan lalo na't kung nadudulot ito ng pananakit dahil maaari itong maging maagang senyales ng c****r. Ngunit hindi naman lahat ng tumutubong bukol sa katawan ay c*****rous at ilan sa mga ito ay hindi naman nagdudulot ng seryosong komplikasyon. Ngunit ang pagkakaroon ng bukol sa likod ng iyong tenga ay dapat mong ikabahala at huwag pababayaan dahil napakarami palang pwedeng maging dahilan kung bakit ka mayroon nito. At ilan sa mga dahilan na ito ay mapanganib sa kalusugan. Narito at alamin ninyo! 1. Sebaceous cy sts Kung ang bukol sa likod ng iyong tenga ay hindi sumasakit, maaaring dahil ito sa pagkabara ng mga oil producing sweat glands. Ang mga ito ay non-c*****rous. 2. Lymphadenopathy Ito ay isang medical condition na kung saan ang mga lymph nodes mo ay nagkakaroon ng abnormal na paglaki at pagdami. Ang mga lymph nodes ay matatagpuan sa leeg, ulo, kili-kili, at singit. Kaya kung may virus o bacteria na

Narito Kung Paano Alisin ang Tinik sa Lalamunan

Ang mga Pilipino madalas kumain ng isda dahil marami tayong iba't ibang klaseng isda na nabibili sa palengke. Maraming klaseng isda ang maaari nating ihain sa mesa. At kahit anong luto pa iyan mapa prito, inihaw, steamed, sinigang, paksiw, etc. ay gaganahan ka talaga sa sarap. Kaya lang mayroong mga isda na maraming tinik kagaya na lang Bangus.  Sa mga taong madalas kumain ng isda, hindi natin maiiwasan na minsan tayo ay matinik. Kahit maliit lamang na tinik ang nasa ating lalamunan, hindi tayo mapakali sapagkat nagdudulot ito ng hindi komportableng pakiramdam at mayroong pananak!t sa bawat paglunok. Kaya naman narito ang mga makakatulong na paraan na maaari mong gawin kapag ikaw at natinik sa iyong lalamunan: 1. Kumain ng saging pero huwag ito nguyain. Kumain ng maliit na piraso lamang ng saging at saka ito lunukin agad para mapasama ang tinik na nakatusok sa lalamunan.  2. Kumuha ng malaking piraso ng tinapay at isawsaw ito sa

Tips Para Tanggalin Ang Pumasok Na Langgam/Insekto Sa Loob Ng Tenga

Naranasan niyo na bang mapasukan ng insekto o ng langgam sa tenga? Napakasakit talaga nito at hindi ka mapapakali. Bukod sa nakakarinig ka ng parang may naglalakad o pumuputok na tunog sa loob ng inyong tenga. Minsan ay maaari ka pang makagat sa loob o mawalan ng pandinig. Kaya narito ang mga tips kung paano tanggalin ang nakakairitang langgam o insekto na pumasok sa iyong tenga: 1. I-wiggle o galaw galawin ang tenga Subukang galaw-galawin o i-wiggle ang apektadong tenga. Sa paraang ito, maaaring mahulog ang insekto papalabas. 2. Patakan ng langis o baby oil Ang langis ay makakapagpigil sa paggalaw ng insekto o langgam papaloob sa tenga. 3. Patakan ng kaunting tubig Gamit ang dropper o bulb syringe, patakan ng kaunting tubig ang loob ng tenga upang malunod ang insekto. Galawin ang ulo at tenga para lumabas ang tubig. 4. Pahiran ng butil ng asukal ang labas ng tenga Ang matamis na amoy ng asukal ay pang-aakit sa langgam upang lumabas. 5. I-