Ang rayuma ay isang karamdaman kung saan nakakaramdam ng pamamaga at pananakit ang mga kasu-kasuan sa katawan. Ang gout naman ay kabilang din na isang klase ng rayuma, ngunit ang pangunahing nagsasanhi nito ay ang mataas na lebel ng uric acid sa dugo. Maraming dahilan ang pwedeng magsanhi ng alin man sa dalawang ito ngunit isa ang pagkain sa karaniwang salarin.
Sa Pilipinas, maraming tao ang nagsasabi na ang pagkain ng munggo ay nagdudulot ng pag-atake ng rayuma at gout. Gayunman, pinabulaanan ng mga eksperto ang paniniwalang ito at ayon sa kanila, ang gout ay sanhi ng mataas na konsentrasyon ng uric acid sa dugo na siyang makukuha mula sa mga pagkaing mataas sa purine, at ang munggo ay hindi mataas rito kaya imposibleng ito mismo ang nagsasanhi ng pananakit ng mga kasu-kasuan.
Ngunit kung hindi munggo, ano nga ba ang totoong nagdudulot ng mga karamdamang ito? Narito ang ilang sanhi ng gout at rayuma:
1. Ang mga pagkain na pangunahing nakakapag-palala sa rayuma ay ang iba’t-ibang karne kagaya ng baka, manok, baboy at kasama na ang mga lamang loob ng mga hayop na ito tulad ng atay ang nakakapagsanhi ng rayuma at gout.
2. Ang mga lamang dagat gaya ng hipon, alimango, tahong, talaba at iba pa, pati mga isda rin na katulad ng sardinas at dilis ay kapag komonsumo ng marami ay siyang maaaring makapagdulot ng gout at rayuma.
3. Hindi rin makabubuti ang pagkain ng mga matatamis gaya ng iba’t-ibang panghimagas pati na ang mga inumin mula sa katas ng mga prutas dahil ang mga ito ay sagana sa natural at artipisyal na pampatamis.
Dapat alalahanin na hindi lamang mga pagkain ang nagsasanhi ng pag-atake ng rayuma, may kontribusyon rito ang iba’t-ibang nakaugalian na paraan ng pamumuhay.
Sino ang mga taong may mataas ang tyansang magkaroon ng gout o rayuma?
1. Ang mga taong may mabibigat na timbang ay hindi malabong makaranas ng pananakit ng mga kasu-kasuan dahil kapag mas mataas ang konsentrasyon ng taba sa katawan, mataas rin ang lebel ng uric acid sa dugo.
2. Ang may mga masasamang bisyo rin, kagaya ng labis-labis na pag-inom ng alak at paninigarily0, ay malaki ang epekto sa katawan na pwedeng mauwi sa mga ganitong problema sa kalusugan.
Hindi tiyak kung kanino nagmula ang impormasyon na ang munggo nga ay nakakasama ngunit paniniwala na ito ng mga Pilipino noon pa man, kaya malimit itong iwasan ng mga taong may rayuma o ng mga nais umiwas sa pagkakaroon nito.
Sabi nga ng mga eksperto, may posibilidad na ang ibang mga sangkap na isinasahog sa munggo ang totoong nagsasanhi ng pag-atake ng s(a)kit na ito lalo pa’t karaniwang nilalagyan ang lutuin na ito ng dilis, chicharon at iba pang maaalat na pangrekado.
Comments
Post a Comment