Ang pag-aasar ay nangangahulugan lamang ng isang bonding at paglalambing ng mga magulang sa kanilang mga anak. Sa ganitong paraan ay nagsisimula ang kasiyahan, katatawanan at komunikasyon ng mga magkakapamilya. Madalas positibo ang nagiging epekto nito ngunit hindi maiwasan na may maling pamamaraan ang pang-aasar na nagdudulot ng negatibong epekto sa inyong anak.
Ano nga ba ang mga kailangang tigilan na pang-aasar sa inyong anak? At kailan nga ba ito dapat tigilan? Alamin natin ang mga ito.
May mga usapin na ginagamit sa pangaasar sa iyong anak na hindi dapat dahil ang mga ito ay maaaring magdulot ng depresyon, pagkabalisa, mababang pagpapahalaga sa kanilang sarili at pagkagalit. Kaya naman maging sensitibo sa mga sasabihin sa iyong mga anak.
Kung mapapansin na hindi na kumikibo ang iyong anak, nangingiyak na sa iyong pang-aasar o sobra na ang pag-aasar naman niya sa iyo ay dapat na itong tigilan at kausapin ng mabuti ang iyong anak at sabihin ang mga bagay na mali niyang nagawa. Upang malaman ang mga usapin na kailangang iwasan ay basahin ang sumusunod.
Narito ang mga pang-aasar na dapat ng tigilan:
1. Pang-aasar ng Pisikal na itsura ng iyong anak
Minsan ginagawa nating katatawanan ang pisikal na itsura ng ating anak. Sa kaniyang pananamit, itsura at sa kaniyang timbang. Ngunit ang pang-aasar na ito ay hindi dapat sinasabi at ginagawa sa inyong mga anak. Hindi ito katanggap-tanggap dahil isang paraan ito na masaktan ang kalooban niya.
Bukod rito maaaring bumaba ang kaniyang tiwala sa sarili at kung ano nga bang mali sa kaniyang itsura. Mga negatibong kaisipan sa kaniyang sarili na maaaring dalhin nito hanggang sa kaniyang paglaki o habang buhay. Kaya naman mga magulang imbes na asarin sila sa kanilang pisikal na itsura tulungan o turuan na lamang silang maging tiwala sa kanilang sarili. Hayaan rin silang hulmahin ang kanilang sariling pagkatao at maging proud sa kung ano at sino sila.
Hindi maiaalis sa mga bata ang pagkamahiyain. Ngunit kung gagatungan mo pa ito at aasarin ay hindi ito nakatutulong sa kaniyang sarili. Dahil maaaring mas magpapalala pa ito. Kaya naman imbes na asarin ang iyong anak hikayatin na lamang ito na makipagkaibigan sa mga bata na maaari niyang maging kalaro o kaya naman kausapin ang anak kung bakit ito mahiyain at ano ang kaniyang dahilan.
3. Ang kanilang edukasyon at pag-aaral
Ang pagkakaroon ng mababang marka ng iyong anak sa paaralan ay hindi dapat gamitin bilang pang-asar. Hindi rin ito ang dahilan para kuwestyunin ang kaniyang kakayahan. Ayon sa mga dalubhasa dapat tandaan ng mga magulang na ang pang-aasar ay hindi dapat nakakasakit sa damdamin. Kausapin ng masinsinan ang iyong anak upang malaman ang kaniyang dahilan kung bakit mababa ang nakuha niyang marka. Maaaring nahihirapan ito sa kaniyang pag-aaral kaya naman turuan ang iyong anak kung paano nito maaayos.
4. Sport performance
Mahilig ang iyong anak sa mga aktibidad tungkol sa sports ngunit sa tingin mo ay hindi pa ito kagalingan kaya naman isa ito sa mga ginagamit na usapin at inaasar siya sa kaniyang nagawa. Ang gawaing ito ay napakalaking pagkakamali dahil hindi mo natutulungan ang iyong anak na maging kompiyansa sa kaniyang sarili at binababa mo ang kaniyang kakayahan. Imbes na asarin ito ay ipakitang sa kaniya na suportado mo siya sa kahit ano pa mang mga gustuhin niyang gawin. Bukod rito mas hikayatin pa siya na mas pamabuti ang kaniyang abilidad.
Ang mga bata ay madali lamang na matakot napakanatural nito sa kanila. Ngunit kung ikaw na magulang ay aasarin mo sila sa kanilang bagay na kinatatakutan ay hindi ito nakakatuwa gayun din hindi ito nakatutulong para sa kanilang sarili. Dahil ayon sa mga dalubhasa mas lalo lamang itong nagpapalala sa kanila na matakot. Gabayan na lang ang iyong anak na maalis ang takot nang sa gayon mas tumibay pa ito at lumakas ang kaniyang loob.
6. Pagkukumpara
Kahit sino naman ay hindi gusto na maikumpara sa ibang tao. Dahil lahat tayo ay may kanikaniyang kakayahan at abilidad. Bawat bata o tao ay espesyal kaya naman huwag mo dapat na ikumpara ang iyong anak sa iba pang bata dahil nakakasakit ito sa kanilang damdamin. Bukod rito bumababa ang kanilang tiwala sa kanilang sarili. Kung hindi man katalinuhan ang iyong anak, kasing bibo, galing o ano pa man ng ibang bata ay huwag itong iparamdaman sa kaniya dahil ang kanilang kailangan ay suporta at pagmamahal nang sa gayon mapabuti nila ang kanilang sariling kakayahan.
Comments
Post a Comment